DSWD, nakapaglaan na ng inisyal na P2-M assistance sa mga apektado ng bagyong Nika

Mayroon nang inisyal na higit P2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika. Kabilang dito ang mga ipinamahaging trak-trak na family food packs sa mga apektadong residente mula sa limang rehiyon sa bansa. Kaugnay nito, umakyat pa sa higit… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng inisyal na P2-M assistance sa mga apektado ng bagyong Nika

DOH Bicol, hinihikayat ang mga magulang na magpakonsulta kontra pertussis.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Bicol ng kabuuang 198 kaso ng pertussis o “whooping cough” sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9, 2024. Sa bilang na ito, 146 ang klinikal na kaso at 52 naman ang nakumpirma sa laboratoryo, habang may tatlong (3) kaso ng pagkamatay ang naiulat dahil sa sakit na ito.… Continue reading DOH Bicol, hinihikayat ang mga magulang na magpakonsulta kontra pertussis.

Mahigit kalahating bahagi ng Isabela, wala pa ring kuryente

Wala pa ring suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Isabela matapos bayuhin ng bagyong Nika kahapon. Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense – Region 2, sa lakas ng hangin at ulang dala ng bagyong Nika, maraming puno ang nabuwal, gayundin ang mga poste ng kuryente at napatid na power lines. Hanggang… Continue reading Mahigit kalahating bahagi ng Isabela, wala pa ring kuryente

WalangPasok | (As of November 12, 2024 | 7:15 a.m.)

Narito ang mga lugar na nagsuspende ng klase ngayong Martes, November 12, 2024, dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong #NikaPH. ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฒ๐˜†Isabela ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‡๐—ผ๐—ปQuezon ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐˜‚๐˜‡๐—ผ๐—ปAurora Pampanga Angeles City โ€“ face-to-face classes in all levels (public and private) Tarlac ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—–๐—”๐—ฅ)Abra โ€“ all levels (public and private) Mountain Province ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ปPangasinan… Continue reading WalangPasok | (As of November 12, 2024 | 7:15 a.m.)

802 wanted persons, arestado ng PNP sa Central Luzon; 91 naman ang nadakip ng Southern Police District

Umabot sa 802 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office (PRO) 3 sa mga operasyon nito sa Central Luzon, noong Oktubre. Ayon kay PRO 3 Director Brigadier General Redrico Maranan, kabilang sa mga naaresto ay 142 most wanted persons, 8 regional most wanted persons, 27 provincial most wanted persons, at ang iba ay municipal… Continue reading 802 wanted persons, arestado ng PNP sa Central Luzon; 91 naman ang nadakip ng Southern Police District

Dalagitang nalunod noong Sabado sa Baggao, Cagayan, natagpuan ng isang bangkay sa ilog

Na-recover ngayong araw ng mga otoridad ang bangkay ng isang 13-anyos na dalagita na napaulat na nawawala noon pang Sabado, Nobyembre 9, sa Brgy. Dalla, Baggao, Cagayan. Ayon kay Baggao MDRRMO Head Narciso Corpuz, naghuhugas lamang umano sa river control ang biktima at posibleng nadulas hanggang sa mahulog ito sa ilog. Marunong naman umanong lumangoy… Continue reading Dalagitang nalunod noong Sabado sa Baggao, Cagayan, natagpuan ng isang bangkay sa ilog

Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

Putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley region dahil sa bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Santiago-Cauayan 69kV line kaya maraming customer ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO I, Quirino Electric Coop at Ifugao Electric… Continue reading Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

May 10,000 family food packs (FFPs) ang inilatag ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga satellite warehouse sa SWAD Aurora at Baler sa Aurora. Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Nika. Kasabay nito ang inihandang 1,000 family food packs na ipapamahagi sa Dilasag,… Continue reading DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

Bagyong Nika, nag-landfall na; patuloy na tinutumbok ang Northern Luzon

Matapos itong mag-landfall sa Aurora, patuloy na tinatahak ng Typhoon Nika ang Northern Luzon. Batay sa 11am forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa vicinity ng San Agustin, Isabela taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h. Nakataas pa rin ang Signal no. 4 sa… Continue reading Bagyong Nika, nag-landfall na; patuloy na tinutumbok ang Northern Luzon

Mga Pamilya na nasunugan sa Naga City, nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Bicol

Nabigyan ng agarang ayuda ng Department of Social Welfare and Development Bicol ang mga pamilyang nasunugan sa Naga City sa ilalim ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng ahensya. Bandang alas 9:30 kagabi nang sumiklab ang sunog sa Zone 3 ng barangay Triangulo sa nasabing siyudad. Sa ulat ng ahensya, nasa 18 indibidwal ang naapektuhan… Continue reading Mga Pamilya na nasunugan sa Naga City, nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Bicol