DTI, NIA AT DA, nagkaroon ng partnership para sa pagpapalakas ng rice competitiveness ng lokal na bigas sa bansa

Alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang food security, lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa isang memorandum of understanding (MOU) upang magtatag ng cooperation measures sa pagbuo at implementasyon ng Integrated Rice Supply Chain Development Program. Sinabi ni Trade… Continue reading DTI, NIA AT DA, nagkaroon ng partnership para sa pagpapalakas ng rice competitiveness ng lokal na bigas sa bansa

Presyo ng bangus, target maibaba ng pamahalaan sa Php70 hanggang Php80 kada kilo.

Pinag-aaralan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga hakbang na kailangang maipatupad upang mapataas ang produksyon ng isda sa Laguna Lake. Ito ayon kay Agriculture Asec Arnel de Mesa ay dahil kabilang ang expansion at pagpapabuti sa agri-fisheries at revival ng Laguna Lake, sa mga tututukan ng pamahalaan, para sa pagpapalakas… Continue reading Presyo ng bangus, target maibaba ng pamahalaan sa Php70 hanggang Php80 kada kilo.

Pag-aangkat ng baka at buffaloes mula sa Libya, Russia, South Korea, Thailand, ipinagbawal ng DA

Ipinagbawal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng buhay na baka at buffaloes at iba pang produkto nito mula sa Libya, Russia, South Korea at Thailand. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito’y dahil sa outbreaks ng Lumpy Skin Disease (LSD), isang viral infection na nakakamatay ng mga baka. Dahil dito,… Continue reading Pag-aangkat ng baka at buffaloes mula sa Libya, Russia, South Korea, Thailand, ipinagbawal ng DA

DA, DTI at NIA, lumagda sa kasunduan para isulong ang Integrated Rice Supply Chain Development Program

Nagkasundo ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at National Irrigation Administration (NIA) para tiyakin ang sapat na suplay ng bigas sa bansa. Kasama na rin dito ang pagbuo ng alternatibong pamilihan para sa butil na mapakinabangan ng mga magsasaka at mamimili. Isang memorandum of understanding ang nilagdaan na ng tatlong… Continue reading DA, DTI at NIA, lumagda sa kasunduan para isulong ang Integrated Rice Supply Chain Development Program

National Rice Program ngayong 2024, bubuhusan ng P31-B ▬ PBBM

P31 bilyon ang ilalaan ng pamahalaan para sa National Rice Program ngayong 2024. Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Ceremonial Harvesting at pamamahagi ng various farm machineries sa bayan ng Candaba, Pampanga. Sinabi ng Pangulo na gagamitin ang P31 billion para pag-ibayuhin ang mga programa gaya ng production… Continue reading National Rice Program ngayong 2024, bubuhusan ng P31-B ▬ PBBM

Naitalang ani noong isang taon na umabot sa 20-M MT, ipinagmalaki ni Pang. Marcos Jr.

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aniya’y tagumpay sa sektor ng agrikultura noong isang taon. Sinabi ng Pangulo na dahil sa sama-samang pagsisikap sa pagtataguyod sa agricultural sector ay naitala ang 20 milyong metriko toneladang ani ng palay noong 2023. Nagpapakita aniya ito ng 1. 5 percent na pag- akyat o dagdag na… Continue reading Naitalang ani noong isang taon na umabot sa 20-M MT, ipinagmalaki ni Pang. Marcos Jr.

Pinsala at lugi sa agrikultura pumalo na sa higit P109-M – DA

Umabot na sa 2,602 magsasaka ang naaapektuhan ng patuloy na umiiral na El Niño phenomenon sa bansa. Ito’y batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRMOC). Ayon sa ulat, pumalo na sa PhP 109.44 million ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa mga pananim mula sa Western Visayas… Continue reading Pinsala at lugi sa agrikultura pumalo na sa higit P109-M – DA

Palay output noong nakalipas na taon, umabot sa record high na 20.06 million metric tons – DA

Umabot sa 20.06 million metric tons ng palay production ang nakamit noong nakalipas na taong 2023. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ito na ang pinakamataas na harvest ng bansa sa huling quarter ng 2023. Base sa datos, na inilabas ng Philippine Statistics Authority, nasa 1.5 porsiyentong mas mataas ang palay output noong… Continue reading Palay output noong nakalipas na taon, umabot sa record high na 20.06 million metric tons – DA

Pinsala ng epekto ng shearline sa agri-sector sa Davao at Caraga Regions, higit P136 Million na – DA

Pumalo na sa PhP 136.57 million ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dulot ng epekto ng shearline. Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 1,141 metric tons (MT) na ang mga nasirang produkto at 9,043 ektarya ng agricultural areas ang apektado. Ayon pa sa ulat, kabuuang 6,923 ang… Continue reading Pinsala ng epekto ng shearline sa agri-sector sa Davao at Caraga Regions, higit P136 Million na – DA

DA, nagtalaga pa ng bagong opisyal sa ahensya

Pormal nang itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si Jerome Oliveros bilang Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance-Foreign Aid/Grants. Pangangasiwaan ni Oliveros ang pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at proyektong pang-agrikultura na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga disadvantaged at cultural groups. Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong… Continue reading DA, nagtalaga pa ng bagong opisyal sa ahensya