Mga mambabatas, ikinalugod na walang senior highschool student na madi-displace ngayong school year

Welcome para sa House Committee on Basic Education and Culture ang anunsyo ng DEPED at maging ng CHED na sasagutin nila ang voucher ng mga senior highschool student na magpapatuloy sa Grades 11 at 12 ngayong school year. Ito ay kasunod na rin ng ipinatawag na briefing ng komite ukol na inilabas na kautusan ng… Continue reading Mga mambabatas, ikinalugod na walang senior highschool student na madi-displace ngayong school year

DepEd, pinalawig ang Senior High School Voucher Program sa mga SUCs at LUCs hanggang sa SY 2024-2025

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na palalawigin nito ang Senior High School (SHS) Voucher Program sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) para sa School Year 2024-2025. Sa opisyal na pahayag na inilabas ng DepEd, sinabi nitong marami pa ring SUCs at LUCs ang tumatanggap ng Grade 11 students… Continue reading DepEd, pinalawig ang Senior High School Voucher Program sa mga SUCs at LUCs hanggang sa SY 2024-2025

Sapat na pondo para sa ALS at learners with disability ngayong 2024, tiniyak ni Sen. Gatchalian

Siniguro ni Senate Committee on Basic Education chairman Senador Sherwin Gatchalian na napaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2024 national budget ang pagpapatupad ng mga programa para sa Alternative Learning System (ALS) at sa mga learning resources ng mga learners with disabilities. Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng 20244 GAA (General Appropriations act) ay mayroong… Continue reading Sapat na pondo para sa ALS at learners with disability ngayong 2024, tiniyak ni Sen. Gatchalian

DepEd, magsasagawa ng simultaneous tree planting activity sa mahigit 40K pampublikong paaralan sa buong bansa

Inimbitahan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na makiisa sa paglulunsad ng DepEd 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children program sa Miyerkules. Ayon sa DepEd, layon ng naturang inisyatibo na maisulong ang environmental preservation at maituro ang environmental responsibility sa mga kabataan. Sa naturang aktibidad, sabay-sabay na magsasagawa ng tree planting… Continue reading DepEd, magsasagawa ng simultaneous tree planting activity sa mahigit 40K pampublikong paaralan sa buong bansa

DepEd at Go Negosyo, lumagda sa kasunduan para sa implementasyon ng School Garden Project sa mga pampublikong paaralan

Lumagda sa kasunduan ang Department of Education (DepEd) at Philippine Center for Enrtrepreneurship Foundation, Inc. – Go Negosyo para sa pagtatayo ng School Garden Project na tinawag na Pampaaralang Taniman ng mga Agribida. Layon ng naturang kasunduan na linangin ang entrepreneurship skills sa sektor ng agrikultura sa mga kabataan. Dumalo si Vice President at Education Secretary… Continue reading DepEd at Go Negosyo, lumagda sa kasunduan para sa implementasyon ng School Garden Project sa mga pampublikong paaralan

Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P810-M

Pumalo na sa P810 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), nasa 169 na mga paaralan ang nasira sa siyam na rehiyon. Kabilang dito ang Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Region 1, Region 2,… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P810-M