Bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur, niyanig ng lindol

Asahan na magkaroon pa ng mga aftershock matapos ang magnitude 5.9 earthquake na nangyari sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur bago mag tanghali kanina. Ayon sa PHIVOLCS, ramdam ang pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao dakong alas 11:22 ng umaga kanina. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong dalawang kilometro sa timog-kanluran ng Esperanza… Continue reading Bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur, niyanig ng lindol

Balik na sa blue alert status ang Butuan City ilang araw matapos ang sunod-sunod na malakas na pagyanig

Balik na sa normal ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Butuan City habang ang klase sa elementarya at sekondarya ay online class o kaya’y modular modality. Depende sa pasya ng management ng paaralan kung sila ay magface-to-face clasess.    Sa pinakauling impormasyon mula sa Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO),… Continue reading Balik na sa blue alert status ang Butuan City ilang araw matapos ang sunod-sunod na malakas na pagyanig

Magnitude 6.1 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao

Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong alas-7:21 ng gabi. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa Sarangani Island, Davao Occidental. May lalim itong 131 kilometro at tectonic in origin. Dahil sa malakas na pagyanig, aasahan ang aftershocks ayon… Continue reading Magnitude 6.1 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao

Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Tatlong magkasunod na lindol ang naitala sa lungsod ng Masbate ngayong umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-6:21 ng umaga nang unang yanigin ng magnitude 4.1 ang lungsod. Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Masbate. May lalim na 8 kilometro ang pinagmulan nito… Continue reading Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Surallah sa South Cotabato kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 9 na kilometro sa Timog-Kanluran ng bayan ng Surallah. May lalim na siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman… Continue reading Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

Prieto Diaz sa Sorsogon, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol kaninang madaling araw – PHIVOLCS

Naramdaman sa maraming lugar sa Bicol region at iba pang lugar ang nangyaring pagyanig kaninang alas-2:35 ng madaling araw na may lakas na magnitude 4.7. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Timog-Silangan ng bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon. Tectonic ang pinagmulan… Continue reading Prieto Diaz sa Sorsogon, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol kaninang madaling araw – PHIVOLCS

Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Asahan pa ang mga aftershocks sa bahagi ng Sabtang, Batanes matapos ang magnitude 5.7 na lindol na nangyari bago mag alas-10:00 ngayong umaga. Paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang dalang pinsala ang lindol na tumama sa bahagi ng karagatan. Ayon sa ulat, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 38… Continue reading Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan. May lalim na… Continue reading Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS