90 araw na relief assistance sa Mayon evacuees, pinasisiguro ni Pangulong Marcos. Ginagawang tugon ng national at local government sa sitwasyon sa Albay, satisfactory, ayon sa pangulo.

“Let us be prepared to take as much of the load as soon as possible off of the local government units para naman mayroon silang – malay natin magkabagyo pa, may mangyari pa, para mayroon silang reserba pa. Hindi natin uubusin ‘yung kanilang quick response fund, number one,” —Pangulong Marcos.

Daing ng mga Mayon evacuees ukol sa isyu ng tubig at palikuran sa mga evacuation centers, bibigyan ng prayoridad ng Pamunuang Panlalawigan ng Albay

Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 4,000 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers dala ng pag-alburuto ng Mayon. Dalawa sa mga hinaing ng mga evacuees ay ang kakulangan sa tubig at maayos na palikuran sa mga evacuation centers. Batid ng lokal na pamahalaan ng Albay ang kahalagahan ng malinis na tubig at maayos… Continue reading Daing ng mga Mayon evacuees ukol sa isyu ng tubig at palikuran sa mga evacuation centers, bibigyan ng prayoridad ng Pamunuang Panlalawigan ng Albay

School DRRM Teams sa Albay, pinaa-activate ng DepEd sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang pag-activate sa School Disaster Risk Reduction and Management Team sa Albay kasunod ng pagtataas ng alert status ng Bulkang Mayon.

Presyo ng mga basic commdodities sa Albay, walang paggalaw sa kabila ng pagtaas ng alerto sa Mayon

Makalipas na ilagay sa alert level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang bulkang Mayon at nagdeklara na under State of Calamity ang lalawigan ay nagpatupad naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Advisory ukol sa Price Freeze. Sa ilalim ng probisyon, itatakda ang presyo ng mga basic commodities ayon… Continue reading Presyo ng mga basic commdodities sa Albay, walang paggalaw sa kabila ng pagtaas ng alerto sa Mayon

50 metric tons ng food assistance mula sa UAE, dumating na sa Albay-DSWD

Dumating sa lalawigan ng Albay ang 50 metriko toneladang food items na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) government.

Emergency loan assistance, bukas para sa mga Albayanong miyembro ng GSIS na apektado ng paglala ng estado ng Mayon

Batid ng Government Service Insurance System (GSIS) ang hirap na dala ng paglikas sa kabuhayan kung kaya’t sila ay nakahandang magbigay ng suportang pinansyal sa mga Albayanong naapektuhan ng kasalukuyang pag alburuto ng Bulkang Mayon.

SILG Abalos, pinapurian ang lalawigan ng Albay para sa maayos na preparasyon sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Pinapurihan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Provincial Government ng Albay para sa pagpapakita ng kahandaan hinggil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

MSWDO-Daraga, nagpatupad ng mga hakbang para masigurado ang kalinisan at kaligtasan ng IDPs sa evacuation centers

Ayon kay Daraga Municipal Social Worker and Development Officer Maricel M. Ordinario, sila ay nagpatupad ng ilang mga alituntunin at hakbang para masiguradong walang kontaminasyon o hawaan na magyayari habang nasa evacuation centers ang mga kababayang naapektuhan ng Mayon.

Mga 4Ps beneficiary, nag set-up ng veggie pantry para sa Mayon evacuees

📸DSWD

Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, hinimok ang mga LGU na bumili mula sa mga local farmer ng lalawigan na apektado ng Mayon

Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga LGUs sa lugar na tangkilikin ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda ng probinsya partikular na yaong mga naapektuhan ng nagaganap na pag alburuto ng Mayon. Ani ni Provincial Agriculturist Cheryl O. Rebate, ang pagbili ng mga ani ng mga lokal na magsasaka ay malaking tulong… Continue reading Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, hinimok ang mga LGU na bumili mula sa mga local farmer ng lalawigan na apektado ng Mayon