Pangulong Marcos Jr. at VP Sara Duterte, magkasamang namahagi ng CSBP aid sa Davao City

Inasistihan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo   ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) ng Department of the Interior and Local Government. Tinawag na Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan, pinangunahan ng Pangulo ang ceremonial awarding sa anim na benepisyaryo sa Davao City.… Continue reading Pangulong Marcos Jr. at VP Sara Duterte, magkasamang namahagi ng CSBP aid sa Davao City

Dagupan City Mayor, hiling ang patuloy na suporta ng mga rice retailers sa mga programa ni Pangulong Marcos Jr.

“Kunting bawas sa kita, okay lang basta masilbihan ang ating mga kababayan.” Ito ang naging mensahe ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa ginawang pamamahagi ng Economic Relief Subsidy sa mahigit tatlumpung rice retailers sa lungsod na naapektuhan ng Executive Order (EO) 39. Aniya, kinakailangan ng pagtutulungan ng lahat upang mapanatiling affordable o abot-kaya ang… Continue reading Dagupan City Mayor, hiling ang patuloy na suporta ng mga rice retailers sa mga programa ni Pangulong Marcos Jr.

NFA, dapat na sundan ang direksyong tinatahak ng administrasyon tungo sa agricultural modernization – Pangulong Marcos Jr.

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang National Food Authority (NFA) sa pagtupad ng mandato nito na panatilihin ang pagkakaroon ng sapat na buffer stock ng bansa sa bigas, mula sa mga Pilipinong magsasaka. Pahayag ito ng pangulo kasabay ng ika-51 anibersaryo ng NFA. Sabi ng pangulo kahit pa sa kabila ng… Continue reading NFA, dapat na sundan ang direksyong tinatahak ng administrasyon tungo sa agricultural modernization – Pangulong Marcos Jr.

Payout ng SLP-Cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng rice price ceiling, sinimulan na ng DSWD

Itinakda ngayong araw, Setyembre 26, ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program o SLP-cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng ipinatupad na rice price ceiling. Ayon kay Asec. Romel Lopez, tagapagsalita ng DSWD, sinimulan na ng Kagawaran ang pagbibigay ng cash aid sa mga… Continue reading Payout ng SLP-Cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng rice price ceiling, sinimulan na ng DSWD

Panukalang Magna Carta for Seafarers, sinertipikahang urgent bill ng Malakanyang

Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent bill ang Senate Bill 2221 o ang panukalang Magna Carta for Seafarers. Binahagi ni Senate Majority leader Joel Villanueva ang Certification of Urgency mula Malakanyang na pinadala sa opisina ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw, September 25. Base dito, nakasaad na kailangang agad na… Continue reading Panukalang Magna Carta for Seafarers, sinertipikahang urgent bill ng Malakanyang

Higit 60 serbisyo ng gobyerno pinagsama-sama sa inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair; BPSF iikot sa buong bansa

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang sabayang paglulunsad sa apat na probinsya ng Bangon Pilipinas Serbisyo Fair. Sa naturang programa pinagsama-sama ang animnapung government services kung saan halos 400,000 Pilipino ang makikinabang. Isinagawa ang paglulunsad ng BPSF sa Camarines Sur kung saan personal itong dinaluhan ni Pang. Marcos Jr. habang si Speaker Martin… Continue reading Higit 60 serbisyo ng gobyerno pinagsama-sama sa inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair; BPSF iikot sa buong bansa

Pangulong Marcos Jr., nilinaw na wala sa opsiyon ang pagpapatupad ng fishing ban

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi nila kinukunsidera ang pagpapatupad ng fishing ban sa harap ng tina-target na mas mapataas pa ang huli ng mga mangingisda. Sa media interview sa Iriga, Camarines Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang nais niyang ipunto ay matukoy ang mga breeding ground at doon iwasan ang… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nilinaw na wala sa opsiyon ang pagpapatupad ng fishing ban

PBBM, muling tiniyak na hindi problema ang suplay ng bigas sa bansa; mas malaking ani ngayong taon, ginarantiya

Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang problema ang bansa kung ang pag-uusapan ay suplay ng bigas. Sa ginawang pamamahagi ng bigas ng Pangulo sa Iriga, Camarines Sur, inihayag ng Punong Ehekutibo na maraming bigas, dangan lang at hindi nailalabas ng tama. Kung tutuusin nga sabi ng Pangulo ay mas marami ang… Continue reading PBBM, muling tiniyak na hindi problema ang suplay ng bigas sa bansa; mas malaking ani ngayong taon, ginarantiya

2024 General Appropriations Bill, certified as urgent na ng Pangulo

Sinertipikahan bilang urgent ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang House Bill 8980 o P5.768 Trillion 2024 General Appropriations Bill. Sa kaniyang liham kay Speaker Martin Romualdez, binigyang diin nito na ang maagap na pagpapasa sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay mahalaga upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.… Continue reading 2024 General Appropriations Bill, certified as urgent na ng Pangulo

PNP Generals, nanumpa sa MalacaƱang ngayong hapon (September 19); PBBM, hinamon ang mga heneral na magsilbing simula ng pagbabago

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong panumpang heneral ng Philippine National Police (PNP) na maging inspirasyon sa kanilang hanay, magsimula at magsulong ng pagbabagong minimithi ng pamahalaan para sa Pilipinas. “I expect you to always lead by example and ensure that every officer and every personnel under your command adheres to… Continue reading PNP Generals, nanumpa sa MalacaƱang ngayong hapon (September 19); PBBM, hinamon ang mga heneral na magsilbing simula ng pagbabago