Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na masama ang loob niya kay Senadora Risa Hontiveros matapos nitong maghain ng resolusyon ngayong araw na naghihikayat sa malakanyang na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Internatiopnal Criminal Court (ICC) tungkol sa naging war on drugs ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ngayong hapon, sinabi ni… Continue reading Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

SP Zubiri, iginiit na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. kung sasaling muli ang Pilipinas sa ICC

Tumangging magkomento si Senate President Juan Miguel Zubiri kaugnay ng resolusyong inihain ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado na naghihikayat sa MalacaƱang na makipagtulungan na sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Zubiri, hindi ang Senado ang magdedesisyon kung sasaling muli o hindi ang Pilipinas… Continue reading SP Zubiri, iginiit na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. kung sasaling muli ang Pilipinas sa ICC

Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day, isinagawa sa Laguna

Isinagawa ang Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day project ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Bigaa, lungsod ng Cabuyao sa lalawigan ng Laguna kanina. Nabatid sa post na inilathala sa Balik Sigla, Bigay Saya FB Page, ang pamimigay ng maagang aguinaldo sa mga bata sa nasabing lugar ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng… Continue reading Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day, isinagawa sa Laguna

Mga bata sa The Haven for Women – Dagupan City, ramdam ang pagmamahal ng Pangulo sa ginanap na Balik Sigla, Bigay Saya program

Napagkalooban ang labingsiyam na mga bata mula sa The Haven – Regional Center for Child (TH-RCC) at siyam na bata mula sa Haven for Women ng mga Pamaskong handog. Ang mga pamaskong handog na tinanggap ng mga bata ay nagmula sa programang Balik Sigla, Bigay Saya na iniyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon… Continue reading Mga bata sa The Haven for Women – Dagupan City, ramdam ang pagmamahal ng Pangulo sa ginanap na Balik Sigla, Bigay Saya program

Kabayan party-list solon, pinuri si PBBM, DFA at iba pang tumulong para sa ligtas na pagpapalaya sa Pinoy na kasamang hinostage ng grupong Hamas

Malaki ang pasasalamat ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa lahat ng tumulong para ligtas na makalaya ang Pilipinong kasama sa na-hostage ng grupong Hamas. Mismong si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-kumpirma na kasama sa 24 na hostage na pinalaya ng Hamas ang Pinoy caregiver… Continue reading Kabayan party-list solon, pinuri si PBBM, DFA at iba pang tumulong para sa ligtas na pagpapalaya sa Pinoy na kasamang hinostage ng grupong Hamas

Pangulong Marcos Jr., inimbitahan ng Peruvian President para sa isang official state visit sa Peru

Inimbitahan ni Peruvian President Dina Boluarte si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para bumisita sa kanilang bansa para sa isang official state visit. Ang imbitasyon ay ipinaabot ng lider ng Peru kasunod ng bilateral meeting ng dalawang country leaders kanina. Sa nasabing pulong ay hinikayat din ng Peru leader si Pangulong Marcos na magkaroon ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., inimbitahan ng Peruvian President para sa isang official state visit sa Peru

Pangulong Marcos Jr., nakipag-partner sa TikTok para sa ‘edutainment’ na makatulong sa small scale sellers at entrepreneurs

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masanay sa Tiktok ang mga local sellers partikular sa mga rural areas para mai-promote ang kanilang mga produkto. Ayon sa Pangulo, gusto nilang mabigyan ng kasanayan ang mga lokal na nagtitinda sa mas liblib na bahagi ng bansa sa paggamit ng nasabing platform. Sa popularidad ng Tiktok,… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nakipag-partner sa TikTok para sa ‘edutainment’ na makatulong sa small scale sellers at entrepreneurs

Pangulong Marcos Jr., nasa Los Angeles na para sa second leg ng kanyang US official trip; Pinoy sa LA, kakamustahin ng Chief Executive

Nasa Los Angeles na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bahagi ng kanyang official trip sa Estados Unidos. Dumating ang Pangulo lulan ng PAL flight 001 sa Los Angeles International Airport bandang 8:11 ng gabi (LA time). Isa sa mga magiging pakay ng Pangulo sa LA ay ang makamusta ang Filipino community na kung… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nasa Los Angeles na para sa second leg ng kanyang US official trip; Pinoy sa LA, kakamustahin ng Chief Executive

Mga programa ni Pangulong Marcos Jr. sa DA, matagumpay na napalakas ang produksyon ng palay

Ramdam na ng bagong liderato sa Department of Agriculture (DA) ang matagumpay na bunga ng mga direktiba at inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para palakasin ang produksyon ng palay sa Pilipinas. Pangunahing bahagi sa pamumuno ni Pangulong Marcos bilang dating Secretary of Agriculture ay ang pagpataw ng mga direktibang pabor sa magsasaka at… Continue reading Mga programa ni Pangulong Marcos Jr. sa DA, matagumpay na napalakas ang produksyon ng palay

DOT chief, ibinida ang potensyal ng Philippine Tourism sa 2023 PEB sa San Francisco, USA

Sa layuning makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan, ibinida ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang potensyal ng turismo sa Pilipinas sa ginanap na 2023 Philippine Economic Briefing (PEB) sa San Francisco, USA. Bahagi ito ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa APEC Summit, kung saan ipinakita nito ang determinasyon… Continue reading DOT chief, ibinida ang potensyal ng Philippine Tourism sa 2023 PEB sa San Francisco, USA