Mahigit 100 na aftershocks, naitala ng Phivolcs kaugnay sa lindol sa Sarangani Island

Patuloy na nakakapagtala ang Phivolcs ng aftershocks sa ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol doon. Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang 3:00 PM, mayroon nang 106 na aftershocks ang naitala. Mula rito, 63 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon, habang limang may kalakasan pagyanig… Continue reading Mahigit 100 na aftershocks, naitala ng Phivolcs kaugnay sa lindol sa Sarangani Island

DOST Sec. Solidum, ipinaliwanag ang GeoRiskPH

Ipinaliwanag ni DOST Sec. Renato Solidum ang GeoRiskPH na inisyatibo ng gobyerno. Aniya, isa itong information and communications technology platform na pamumunuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng kalihim na ang GeoRiskPH ay sentro ng mga impormasyon sa mga nasisira dahil sa kalamidad. Dito ay mapag-aaralan ang mga datos gamit ang… Continue reading DOST Sec. Solidum, ipinaliwanag ang GeoRiskPH

Pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy – PHIVOLCS

Mula alas 3:47 kahapon ng hapon, patuloy pa ang naitatalang mahihinang volcanic earthquake sa Mayon Volcano sa Albay. Sa abiso ng PHIVOLCS, nanatili at lumakas pa ang mga pagyanig kaninang umaga at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Tumatagal ang mga kaganapang ito ng humigit-kumulang 11 segundo at umuulit sa pagitan ng 5 segundo. Ayon sa PHIVOLCS,… Continue reading Pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy – PHIVOLCS

PHIVOLCS nagbabala ng lahar flow sa Bulkang Mayon, kapag may malakas na pag-ulan sa bundok

Inamin ni Ms. Mariton Bornas, pinuno ng Volcano Monitoring Division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may bantang lahar flow sa Bulkang Mayon kapag maganap ang malakas na pag-ulan sa bulkan. Ito ang bahagi ng Miisi at Bonga Gullies.  Maapektuhan rin ang channel sa Bodyao at Banadero sa Daraga gayundin sa Pawa,… Continue reading PHIVOLCS nagbabala ng lahar flow sa Bulkang Mayon, kapag may malakas na pag-ulan sa bundok

Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan. May lalim na… Continue reading Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bulkang Mayon nakapagtala ng nasa 177 rockfall events ayon sa PHIVOLCS

Umabot na sa 177 na rockfall events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag. Ayon sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Siesmology (Phivolcs), sa naturang bilang ng rockfall events ay nakapagtala ng isang volcanic earthquake ang bulkan. Kaugnay nito, umabot na sa halos 1,205 na tonelada na ng sulfur dioxide ang… Continue reading Bulkang Mayon nakapagtala ng nasa 177 rockfall events ayon sa PHIVOLCS