DOTr, umapela sa mga transport group na pag-usapan ang mga hinanaing sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga transport group na makipag-usap sa ahensya kaugnay sa kanilang mga hinaing sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista bukas ang linya ng kanilang komunikasyon sa pakikipag-usap sa mga transport group. Kasunod ito ng… Continue reading DOTr, umapela sa mga transport group na pag-usapan ang mga hinanaing sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Sen. Poe, pinanawagan na suspendihin muna ang implementasyon ng PUV modernization program

Sa gitna ng sinasabing korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nanawagan si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang pagpapatupad ng Public utility vehicle (PUV) modernization program. Ito ay hangga’t hindi pa aniya naisasaayos ang lahat ng mga isyu. Binigyang diin… Continue reading Sen. Poe, pinanawagan na suspendihin muna ang implementasyon ng PUV modernization program

Loan requirement para sa PUV modernization, dapat pasimplehin

Nanawagan ang isang kongresista sa mga bangko na nagpapautang para sa PUV modernization, na pasimplehin ang proseso para sa mga transport cooperatives. Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, dapat ay i-streamline na ang Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba pang government financial institutions ang loan requirements… Continue reading Loan requirement para sa PUV modernization, dapat pasimplehin