Himlayang Pilipino, nagdagdag ng security personnel para bantayan ang mga nanggugulo sa magdamag

Nagdagdag pa ng pwersa ang pamunuan ng Himlayang Pilipino para magbigay ng seguridad sa buong magdamag sa sementeryo. Ayon kay Engineer Michael Abiog, Operations Manager ng sementeryo, bukod sa mga dinagdag na security guards ay katuwang din nila ngayon ang mga tauhan ng 11th Airforce Group Reserve ng Philippine Airforce, QC DPOS, at QC Oplan… Continue reading Himlayang Pilipino, nagdagdag ng security personnel para bantayan ang mga nanggugulo sa magdamag

Bahagi ng QC elliptical road, isasara sa panahon ng Semana Santa

Ilang bahagi sa elliptical road sa Quezon City ang pansamantalang isasara ngayong Semana Santa. Sa inilabas na Traffic Advisory ng Quezon City Government, maaapektuhan ang bahagi ng elliptical road mula sa North Avenue hanggang Quezon Avenue. Sisimulan ang road closure alas-8:00 ng gabi ng Marso 28 o Huwebes Santo hanggang alas-8:00 ng umaga ng Marso… Continue reading Bahagi ng QC elliptical road, isasara sa panahon ng Semana Santa

Calorie Labeling Policy, ipapatupad na sa QC

Aprubado na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa ukol sa pagpapatupad ng Calorie Labelling Policy sa Lungsod Quezon.  Sa ilalim ng polisiyang ito, minamandato ang mga restaurants at iba pang food businesses sa lungsod na ilagay ang calorie count ng kanilang mga ibinibentang pagkain. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, layon nitong hikayatin… Continue reading Calorie Labeling Policy, ipapatupad na sa QC

‘Pertussis outbreak’, idineklara sa QC; pamahalaang lungsod, pinaigting na ang hakbang laban sa sakit

Ipinag-utos na ni QC Mayor Joy Belmonte ang agarang responde sa sakit na ‘pertussis’ o whooping cough sa lungsod. Ito kasunod ng deklarasyon ng LGU ng ‘petrussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi. Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Dept Chief Dr. Rolly Cruz,… Continue reading ‘Pertussis outbreak’, idineklara sa QC; pamahalaang lungsod, pinaigting na ang hakbang laban sa sakit

Kasambahay, itinuturing na suspek sa natagpuang bangkay ng mag-asawang Chinese sa Cubao, Quezon City

Itinuturing ngayon na suspek ang kasambahay sa natagpuang bangkay ng mag-asawang Chinese sa loob ng kanilang bahay na nasunog sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City kagabi. Batay sa isinagawang imbestigasyon ng QC SOCO Forensic Unit, bukod sa duguan at mga tama sa ulo ng mag-asawang kinilalang sina Jose Arsenio at Elizabeth Dolliaga Chua,  natagpuan… Continue reading Kasambahay, itinuturing na suspek sa natagpuang bangkay ng mag-asawang Chinese sa Cubao, Quezon City

Higit 60 wanted persons, naaresto ng QCPD sa loob ng isang linggong manhunt Operation

Inanunsyo ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang pagkaaresto ng 63 wanted persons na matagal ng pinaghahanap ng pulisya. Nahuli ang mga wanted persons sa loob lang ng isang linggong pinaigting na manhunt operations mula Enero 8 hanggang 15, ngayong taon. Sa kabuuang bilang, 31 ang natukoy na most wanted at ang 32 iba pa… Continue reading Higit 60 wanted persons, naaresto ng QCPD sa loob ng isang linggong manhunt Operation

Apela ng Pulis na nag-amok sa isang bar sa QC kamakailan dahil sa isa pang kaso nito, ibinasura ng NAPOLCOM

Tuluyan nang masisibak sa serbisyo ang Pulis na nag-amok, nagpaputok ng baril at nagbanta sa waiter ng isang bar sa Quezon City noong Linggo na si P/Lt.Col. Mark Julio Abong. Ito’y makaraang ibasura ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apela ni Abong may kaugnayan naman sa dismissal order laban sa kaniya… Continue reading Apela ng Pulis na nag-amok sa isang bar sa QC kamakailan dahil sa isa pang kaso nito, ibinasura ng NAPOLCOM

Maliliit na negosyo sa lungsod Quezon, tinutulungang mapalago ng QC LGU

Tinututukan na ng Quezon City government ang mga maliliit na negosyo para tulungang mapalago ang kanilang produkto at mapataas ang kanilang kita. Ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang programa ng lungsod na magpapalawak sa kaalaman at impormasyon ng mga micro at small enterprises Kasunod na rin ito nang isinagawang kauna-unahang International… Continue reading Maliliit na negosyo sa lungsod Quezon, tinutulungang mapalago ng QC LGU

LTFRB at grupong PISTON, nagkaroon ng dayalogo kaninang hapon sa Quezon City

Dumating si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Atty. Teofilo Guadiz III sa Araneta Avenue corner E.Rodriguez sa Quezon City upang makipag-dayalogo sa kay PISTON President Ka Mody Floranda. Layon nitong pag-usapan ang hinanaing ng naturang grupo at ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan. Sa paghaharap ng dalawa, inihayag… Continue reading LTFRB at grupong PISTON, nagkaroon ng dayalogo kaninang hapon sa Quezon City

Children’s Summit 2023, inilunsad sa Quezon City

Abot sa 400 na mga bata mula sa 158 paaralan sa lungsod Quezon ang nakilahok sa Children’s Summit 2023 na pinangunahan ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC). Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nakatuon ang summit sa climate change, kung paano ito maiiwasan at kung ano ang epekto nito sa mga… Continue reading Children’s Summit 2023, inilunsad sa Quezon City