Youth with Disabilities ng Pangasinan, pasok sa gaganaping Global IT challenge sa Dubai

Binigyan ng pagkilala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Pangasinan sina Renz C. Baring at John Mark B. Reynosa mula sa Bayambang National High School, Dave P. Soriano ng Alaminos City National High School, at Christian Gerico P. Somoray ng Urdaneta City National High school na siyang sumabak sa National IT Challenge na ginanap sa Bayview Park Hotel, Manila noong ika-26 hanggang ika-27 ng Hunyo.