PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

PDP-Laban legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change Nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga mambabatas at senador mula sa partidong PDP-LABAN kaugnay sa usapin ng charter change (cha-cha). Pagbabahagi ni Leyte Representative Richard Gomez, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas, ano ang babaguhin sa konstitusyon… Continue reading PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

Tapat na kawani ng paliparan, pinapurihan ng MIAA

Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ipinakitang katapatan ng isa sa kanilang mga kawani matapos na magsauli ng pera na naiwan ng isang pasahero sa paliparan. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, naiwan ng Amerikanong si Terrance Alspach ang kaniyang pera na nagkakahalaga ng US$1,017 o katumbas ng P55,237.85 habang papasakay na sana… Continue reading Tapat na kawani ng paliparan, pinapurihan ng MIAA

DHSUD, nagbabala laban sa mga scammer na ginagamit ang pambansang pabahay rollout

Pinag-iingat ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang rollout ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program para manloko. Sa isang pahayag, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na hindi nito kinukunsinte ang ganitong iligal na gawain at handang habulin o… Continue reading DHSUD, nagbabala laban sa mga scammer na ginagamit ang pambansang pabahay rollout

Bagong Port of Coron, binuksan na ng PPA

Binuksan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang bagong Port Operations Building (POB) sa Coron, Palawan. Kaugnay nito, handa na ang Port of Coron sa pagdagsa ng mga pasahero partikular ang mga turista at uuwi ng probinsiya, lalo na ngayong papalapit ang Semana Santa. Mula sa dati nitong 250 passenger capacity, aabot na hanggang 500… Continue reading Bagong Port of Coron, binuksan na ng PPA

Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Inabswelto ng Anti Graft Court si dating Agriculture Secretary Proceso Alcala mula sa kasong graft and corruption at malversation of public funds mula sa kanyang “pork barrel” noong siya pa ang kinatawan ng Quezon Province. Sa desisyon ng Sandiganbayan, walang matibay na ebidensiya na naipakita ang Ombudsman para idiin si Alcala sa P6 million na… Continue reading Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Summer edition ng Metro Manila Film Festival, aarangkada na sa Abril 2

Aarangkada na ang mga aktibidad kaugnay ng kauna-unahang Summer edition ng Metro Manila Film Festival o MMFF para sa taong ito. Ayon sa Metropolitan Manil Development Authority o MMDA, magsisimula ang kick off ng Summer MMFF sa Abril 2 sa pamamagitan ng Parade of Stars na gagawin sa Quezon City na tinagurian ding “City of… Continue reading Summer edition ng Metro Manila Film Festival, aarangkada na sa Abril 2

Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na magkaroon ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa napaulat na reklamo ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims. Sa paghahain ng Senate Resolution 544, iginiit ni Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay… Continue reading Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Mayo Janice, umapela sa Senado na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa nangyaring pagpatay sa kaniyang asawa

Labis ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang biyuda ng pinaslang na Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Ginawa ni Mayor Degamo ang pahayag matapos i-ulat ng binuong Special Task Force Degamo ang pagkakahuli sa 5 mga dating Sundalo na umaming may direktang partisipasyo sa pagpatay sa yumaong Gubernador… Continue reading Biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Mayo Janice, umapela sa Senado na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa nangyaring pagpatay sa kaniyang asawa

23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara

Dalawampu’t tatlo sa kabuuang 31 LEDAC priority bills ang napagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ang ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez bago tuluyang mag-adjourn ang Kamara para sa Holy Week break. Ang nalalabing walong priority measures naman ay kasalukuyang nasa deliberasyon para maiakyat na rin sa plenaryo. Kabilang dito ang Regional… Continue reading 23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara

Dating sundalo na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, inilipat na sa NBI matapos sumuko sa AFP

Pormal nang nai-turnover sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI ang 5 sumukong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo gayundin sa 8 iba pa. Ito ang inihayag ni Special Task Force Degamo Chairperson at Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo… Continue reading Dating sundalo na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, inilipat na sa NBI matapos sumuko sa AFP