DBM, pinaiigting pa ang kooperasyon sa Kongreso para sa pagsusulong ng PBBM Governance bill

Puspusan na ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Budget and Mangement (DBM) sa Kongreso upang magpaliwanag at sagutin ang ilang katanungan ng mga mambabatas, para sa Progressive Budgeting for Better and Modernized (PBBM) Governance bill. Matatandaan na ang panukalang ito ay isa sa priority legislative measure ng Marcos Administration, at nakaangkla ito sa 8-point Socioeconomic… Continue reading DBM, pinaiigting pa ang kooperasyon sa Kongreso para sa pagsusulong ng PBBM Governance bill

Tubig pa rin ang “the best” na inumin ngayong summer season — DOH

Binigyang-diin ni Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mainam pa rin ang inuming tubig kumpara sa mga juice o anumang palamig na nabibili. Paliwanag ng opisyal, bagamat nakakapawi pa rin naman aniya ng uhaw ang mga may flavor na inumin subalit may pagkakataon na mas nakakauhaw ang mga ito. Kaya paalala nito sa… Continue reading Tubig pa rin ang “the best” na inumin ngayong summer season — DOH

Natitirang langis sa MT Princess Empress, pinag-aaralan ng PCG kung paano mare-recover

Posibleng nasa 300,000 hanggang 400,000 litro na lang ng kargang industrial fuel oil ng lumubog na MT Princess Empress ang natitira. Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ay inaalam na nila kung mare-recover ang mga natitirang langis. Nabawasan aniya ang kargang langis ng oil tanker  dahil sa unti-unting pagbulwak ng… Continue reading Natitirang langis sa MT Princess Empress, pinag-aaralan ng PCG kung paano mare-recover

PNR, naghahanda na rin para sa Semana Santa

Tiniyak ng Philippine National Railways (PNR) na puspusan ang kanilang paghahanda para sa Semana Santa. Ayon sa inilabas na pahayag ng PNR, may ipakakalat silang dagdag na mga tauhan at mga pasilidad para masiguro ang ligtas at maayos na daloy ng operasyon nito. Maglalagay din ng mga “Help Desk” sa bawat istasyon; at PNR “Quick… Continue reading PNR, naghahanda na rin para sa Semana Santa

Innovative solutions sa mga suliranin sa edukasyon, nakapaloob sa Basic Education Report 2023

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na hindi bulag ang Department of Education (DepEd) sa mga problemang kinahaharap sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ayon kay VP Sara, nakalatag na sa Basic Education Report 2023 na kanyang inilahad noong Enero ang mga solusyon sa suliranin. Kabilang aniya sa mga tinututukan ng DepEd ang pag-hire ng… Continue reading Innovative solutions sa mga suliranin sa edukasyon, nakapaloob sa Basic Education Report 2023

LRTA, magpapatupad ng heavy maintenance sa linya kasabay ng Semana Santa

Sasamantalahin ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Semana Santa upang magpatupad ng major maintenance sa linya, power supply, riles, at sa mga istasyon ng tren. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, April 5, araw ng Miyerkules, hanggang alas-7 lamang ng gabi ang kanilang operasyon. Sa April… Continue reading LRTA, magpapatupad ng heavy maintenance sa linya kasabay ng Semana Santa

Isang lalaking nang-hostage sa kanyang bunsong anak, arestado sa Maynila

Arestado ang isang 31 taong gulang na lalaki nang i-hostage nito ang anim na taong gulang na anak na babae sa kanilang bahay sa Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Hepe ng Barbosa Police Station, tumawag ang isang concerned citizen na dinala ng suspect ang bata sa rooftop at itinago sa kwarto.… Continue reading Isang lalaking nang-hostage sa kanyang bunsong anak, arestado sa Maynila

Top 10 Outstanding Policewomen ng PRO 8, pinarangalan ng PNP Chief sa pagdiriwang ng Women’s Month

Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang 10 outstanding Policewomen ng Police Regional Office (PRO) 8 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2023 National Women’s Month. Kasabay ito ng command visit ng PNP Chief sa PRO-8 Headquarters sa Palo, Leyte kahapon. Kabilang sa mga pinarangalan sina: • Police Major Jennifer… Continue reading Top 10 Outstanding Policewomen ng PRO 8, pinarangalan ng PNP Chief sa pagdiriwang ng Women’s Month

NGCP, di dapat mabahala na kakapusin ang supply ng kuryente — DOE

Hindi dapat mabahala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay sa posibleng kakapusin ang supply ng kuryente ngayong summer season. Ginawa ang pahayag matapos maalarma ang NCGP dahil sa hindi inaaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang request na kada buwan ang extension ng kanilang ancillary service agreement. Ang nasabing kasunduan ay… Continue reading NGCP, di dapat mabahala na kakapusin ang supply ng kuryente — DOE

Ilang palengke sa Metro Manila, apektado na ng taas-presyo sa karne ng baboy

Tumaas na ng sampung piso ang kada kilo ng baboy sa Makati City. Sa talipapa ng Brgy. Cembo, ₱360 na ang kada kilo habang sa Guadalupe marker ₱320 na ang kada kilo. Ayon sa mga nagtitinda, noong nakaraang linggo nang mapansin ang pagmahal ng presyo ng karne baboy. Hindi naman nabawasan ang bilang ng mga… Continue reading Ilang palengke sa Metro Manila, apektado na ng taas-presyo sa karne ng baboy