Bagong exploratory talks ng Pilipinas at China, dapat ibatay sa arbitral at Supreme Court ruling — Sen. Tolentino

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralang mabuti ang plano ng pamahalaan, na magkaroon muli ng exploratory talks sa gobyerno ng China. Ayon kay Tolentino, dapat isaalang-alang ng DFA ang 2016 Hague Arbitral ruling at ang desisyon kamakailan ng Korte Suprema, na nagdedekalrang unconstitutional sa 2005 Tripartite Agreement for… Continue reading Bagong exploratory talks ng Pilipinas at China, dapat ibatay sa arbitral at Supreme Court ruling — Sen. Tolentino

Mambabatas, tiniyak na mapopondohan ang modernisasyon ng AFP

Suportado ni AKO-BICOL Partylist Rep. Zaldy Co ang pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines. Sa kaniyang pagdalo sa HOR-AFP Fellowship Series (Visayas Leg) kasama si House Speaker Martin Romualdez, sinabi ng mambabatas na kaisa siya sa pangako ng House leader sa pagtutulak ng AFP Modernization ng Sandatahang Lakas. Naniniwala din siya na kailangan ng… Continue reading Mambabatas, tiniyak na mapopondohan ang modernisasyon ng AFP

Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang alkalde ng Busan, South Korea

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mambabatas na makapulong ang Mayor ng Busan, South Korea. Bahagi ito ng pagbisita ng ilan sa miyembro ng House of Representatives sa Republic of South Korea sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Baguio Rep. Mark Go, kabilang sa natalakay nila… Continue reading Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang alkalde ng Busan, South Korea

Sugatang NPA, sinagip ng mga tropa matapos iwanan ng mga kasamahan sa South Upi Maguindanao

Binigyan ng medikal na atensyon ng mga tropa ng 57th Infantry Battalion ang isang sugatang New People’s Army (NPA), kasunod ng engkwentro kahapon sa South Upi, Maguindanao del Sur. Ang sugatang NPA ay iniwan ng kanyang mga kasamahan na nagsitakas kasunod ng mabilis na engkwentro sa mga sundalo. Narekober ng mga tropa sa encounter site… Continue reading Sugatang NPA, sinagip ng mga tropa matapos iwanan ng mga kasamahan sa South Upi Maguindanao

“Red Teams” ide-deploy ng PNP para masiguro na maayos ang security measures ngayong Semana Santa

Inanunsyo ni PNP Officer in Charge, Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na magpapalabas ng “Red Teams” ang Philippine National Police (PNP) para masiguro na maayos ang latag ng seguridad ngayong Semana Santa. Ayon kay Gen. Sermonia, ang mga red teams na mag-iinspeksyon sa deployment ng mga pulis, ay nasa superbisyon ng… Continue reading “Red Teams” ide-deploy ng PNP para masiguro na maayos ang security measures ngayong Semana Santa

Relasyon ng naarestong mastermind sa Degamo slay case kay Rep. Teves, idinetalye ni Sec. Abalos

Matagal nang naninilbihan bilang security at bodyguard ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. ang naarestong si Marvin Miranda, na isa sa mga itinuturong utak sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo… Continue reading Relasyon ng naarestong mastermind sa Degamo slay case kay Rep. Teves, idinetalye ni Sec. Abalos

₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Naghanda ng pabuya ang Pasay LGU kung sinuman ang makapagtuturo ng kinaroroonan o mahalagang impormasyon sa kinaroroonan ng 10 pugante sa Malibay Police Station. Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano 30,000 pesos kada pugante ang kanilang pabuya. Samantala, binigyan ni Mayor Emi ng 24 oras na palugit ang Pasay Police Station upang maaresto ang… Continue reading ₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

Pumalo na sa 26,856 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito’y mula kaninang hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga. Sa datos na na-monitor ng PCG, nasa 14,114 ang outbound passengers at 12,742 naman ang inbound passengers. Kaugnay nito, umaabot… Continue reading Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

Desisyon ng DOJ hinggil sa isyu ng ARTA at NEWSNET, kintaigan ng Office of the President

Pinaboran ng Office of the President ang naunang desisyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamo ng pag-abuso sa kapangyarihan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung saan inatasan nito ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng frequency ang News and Entertainment Network Corporation (Newsnet). Ayon sa desisyon ng DOJ walang katuturan at hindi… Continue reading Desisyon ng DOJ hinggil sa isyu ng ARTA at NEWSNET, kintaigan ng Office of the President

LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Mahigit 200 kawani ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ang ipinakalat na para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023.” Kasabay nito, ang mahigpit na utos ni LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III, na ipatupad ang “Land Transportation and Traffic Code” o Republic Act 4136, at… Continue reading LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”