DA, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang pagkaing Pilipino ngayong Filipino Food Month

Sinimulan na ng Department of Agriculture ang isang buwang selebrasyon para sa Filipino Food Month o Buwan ng Kalutong Pilipino. Tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang pagkaing bahagi ng Culinary Heritage ng bansa sa temang: Pagkaing sariling atin, mahalin at pagyamanin. Pinangunahan nina DA Senior Usec. Domingo Panganiban, at National Filipino Food Month Chair Usec.… Continue reading DA, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang pagkaing Pilipino ngayong Filipino Food Month

Online post ukol sa pagsasara ng ilang beach resort dahil sa heatwave, itinanggi ng DOH

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na online post na umano ay may mga resort sa Western Visayas ang pansamantalang isinara dahil sa heatwave. Ayon kay Health Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang katotohanan ang kumakalat na online post gamit ang pangalan ng Center for Health Development Center Western Visayas.… Continue reading Online post ukol sa pagsasara ng ilang beach resort dahil sa heatwave, itinanggi ng DOH

MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng regional offices na tiyaking nasusunod ang mga panuntunan sa paglalayag ng mga barko. Kasabay nito ay ipinag-utos din ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ????? ???????? ????: ?????? ????? ????. Layon nito ang… Continue reading MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng isang opisyal na presidential directive bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Nino. Ayon sa mambabatas, maganda ang paunang hakbang ng pangulo na bumuo na ng isang Water Resource Management Office na titiyak sa kasapatan ng tubig sa bansa lalo… Continue reading Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na ikukunsidera ng pamahalaan ang lahat ng opsyon sa isasagawang reporma sa pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Sa isang pahayag, siniguro ni DND Officer in Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na palaging pangangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan at kabuhayan ng mga miyembro ng unipormadong hanay.… Continue reading Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

LBP, mag-aalok ng nasa P5-B credit program para sa tourism development ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa

Nakatakdang magpahiram ang state owned bank na Land Bank of the Philippines ng P5-B pautang sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa na nais palakasin ang tourism development ng kani-kanilang bayan. Ayon kay LBP president and CEO Cecilia Borromeo, layon ng naturang credit program na mabigyan ng karagdagang pondo ang bawat lokal na pamahalaan… Continue reading LBP, mag-aalok ng nasa P5-B credit program para sa tourism development ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa

Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Inalis na muna bilang hepe ng Malibay Police Station sa Pasay si PMaj. Jerry Vasques Sunga. Ito ay matapos makatakas ang 10 bilanggo sa kanilang istasyon. Ayon kay Pasay Chief of Police PCol. Froilan Uy, ang deputy na si PCpt. Mamerto Estacio Garne Jr. ang papalit sa ni-relieve na hepe ng Malibay Police Station. Pinakiusapan… Continue reading Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Manila LGU, naglabas ng panuntunan para sa parada ng Itim na Nazareno sa Biyernes Santo

Paiiralin ang “no vendor policy” sa “Nazareno Motorcade” sa Maynila sa Biyernes Santo. Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, kasado na ang naturang motorcade, batay sa napagkasunduan ng local na pamahalaan ng Maynila, pamunuan ng Simbahan ng Quiapo, Hijos del Nazareno, at iba pang stakeholders. Ang motorcade, kung saan ilalabas ang imahen ng Poong… Continue reading Manila LGU, naglabas ng panuntunan para sa parada ng Itim na Nazareno sa Biyernes Santo

BI, nag-deploy ng karagdagang Immigration Officers ngayong Semana Santa

Nasa 155 mga dagdag na Immigration Officers ang idineploy ng Bureau of Immigration ngayong panahon ng Kuwaresma. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Immigration Spokesperson Danna Sandoval na bukod sa 155 additional personnel ay may 36 na nagsipagtapos sa Philippine Immigration Academy na itinalaga na din sa ibat-ibang mga paliparan. Ang additional deployment sabi… Continue reading BI, nag-deploy ng karagdagang Immigration Officers ngayong Semana Santa

Pagbuo ng Dep’t of Water Resources, pinamamadali ng mambabatas

Muling kinalampag ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang mga kasamahang mambabatas na aksyunan at ipasa na ang panukalang magtatatag ng isang Department of Water Resources Management (DWRM). Ayon sa mambabatas, panahon nang magkaroon ng isang ahensya na tututok sa paggamit ng katubigan sa bansa lalo na sa inaasahang pagtama ng El Niño. Tugon din… Continue reading Pagbuo ng Dep’t of Water Resources, pinamamadali ng mambabatas