COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Bahagyang tumaas sa 7.2% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 15, batay sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research. Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 6.5% noong nakalipas na linggo. Dahil dito ay nasa moderate risk classification pa rin… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

SOJ Remulla, ibabahagi ang mga detalye ng imbestigasyon hinggil sa Degamo slay

Matapos kumpirmahin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagdalo nito sa imbestigasyon ng senado hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Degamo ngayong araw ay inaasahang maraming ibabahagi ang kalihim partikular sa estado ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Degamo. Paliwanag ni Remulla, sigurado siya na may mga katanungan ang… Continue reading SOJ Remulla, ibabahagi ang mga detalye ng imbestigasyon hinggil sa Degamo slay

DOE, nagsagawa ng public consultation sa pagpapaigting ng polisiya sa maayos na pagbili ng kuryente

Nagsagawa ng public consultation ang Department of Energy para sa pagpapaigting ng mga polisya sa Competitive Selection Process Program ng kagawaran para sa lahat ng Electric Distribution Companies sa bansa upang masiguro ang pagkakaroon ng maayos at transparent na pagbili ng mga distribution companies ng kuryente para sa consumers nito. Sa isinagawang public consultation kasama… Continue reading DOE, nagsagawa ng public consultation sa pagpapaigting ng polisiya sa maayos na pagbili ng kuryente

PNP Chief, nanawagan kay Bantag at Zlueta na sumuko na

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kay ex Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at kanyang Deputy na si Ricardo Zulueta na sumuko na sa mga awtoridad. Ito ay matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest sa kasong murder kay Bantag at Zulueta, dahil sa pagpatay sa… Continue reading PNP Chief, nanawagan kay Bantag at Zlueta na sumuko na

PNP Chief, umapela kay SILG Abalos na mag-ingat sa mga nagbibigay ng maling impormasyon

Umapela si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na mag-ingat sa mga nagbibigay sa kaniya ng maling impormasyon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, giit ng PNP Chief na mali ang impormasyong nakarating sa kalihim na may tangkang cover-up sa 990 kilos… Continue reading PNP Chief, umapela kay SILG Abalos na mag-ingat sa mga nagbibigay ng maling impormasyon

Mandatory na pagsusuot ng face mask sa Lungsod ng Maynila, posibleng ibalik

Ito ay matapos makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na linggo. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, may 79 na bagong kasong naitala sa nakalipas na linggo pero karamihan ay mild at asymptomatic. Bagama’t hindi pa aniya ito nakakaalarma, mahigpit na naka-monitor ngayon ang City Health Department. Isa sa posibleng… Continue reading Mandatory na pagsusuot ng face mask sa Lungsod ng Maynila, posibleng ibalik

Implimentasyon ng Rainwater Collection Law, pinasisiyasat sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Makati City Representative Luis Campos Jr. ang hindi maayos na pagpapatupad sa RA 6716 o  Rainwater Collection and Springs Development Law. Sa kaniyang House Resolution 906, hinihimok ang House Committees on Public Works and Highways at Ecology na magdaos ng inquiry in aid of legislation kung bakit bigong maipatupad ang batas. Mahalaga aniya… Continue reading Implimentasyon ng Rainwater Collection Law, pinasisiyasat sa Kamara

Parselisasyon ng lupain sa North Cotabato, minamadali na ng DAR

Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na pinabibilis na nito ang parselisasyon ng mga lupain na ipinamahagi sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon sa DAR, kabilang sa sakop rito ang mga lupain ng collective certificates of landownership award (CCLOAs) na matatagpuan sa mga Barangay Pacao, Camansi, Paruayan, Upper… Continue reading Parselisasyon ng lupain sa North Cotabato, minamadali na ng DAR

Imbestigasyon sa umano’y drug cover-up sa PNP, pinabibilis pero masinsinan

Pinatitiyak ni House Speaker Martin Romualdez na magiging mabilis ang imbestigasyong ikakasa hinggil sa napaulat na ₱6.7-billion drug cover-up ng ilan sa miyembro ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG). Pero dapat din aniya na masiguro na malaliman at masinsinan ang gagawing pagsisiyasat upang matukoy ang katotohanan sa isyu. Kung sinoman aniyang opisyal na mapatunayan… Continue reading Imbestigasyon sa umano’y drug cover-up sa PNP, pinabibilis pero masinsinan

DOH, kinilala ang papel ng LGUs, pribadong sektor sa pagkamit ng malaria-free status sa CALABARZON

Pinangunahan nina DOH OIC Maria Rosario Vergeire at DOH Center for Health Development Calabarzon Regional Dir. Ariel Valencia ang isinagawang Malaria-Free Regional Celebration kasabay ang pagbibigay ng parangal sa mga LGU, mga ospital at pribadong sektor na naging instrumento para makamit ang malaria-free status sa rehiyon ng CALABARZON. Kasama sa ginawaran ng parangal ang Rizal… Continue reading DOH, kinilala ang papel ng LGUs, pribadong sektor sa pagkamit ng malaria-free status sa CALABARZON