Paglalantad ng sindikato sa PNP, ipinagmalaki ni dating PNP Chief Azurin

Ibinida ni dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang paglalantad ng sindikato sa PNP. Ang pahayag ay ginawa ni Azurin sa kaniyang pagbaba sa pwesto bilang ika-28 PNP Chief ngayong umaga sa Camp Crame. Ito’y sa gitna ng kontrobersya sa umano’y pangungupit ng ilang mga pulis ng bahagi ng narekober na 990 kilo… Continue reading Paglalantad ng sindikato sa PNP, ipinagmalaki ni dating PNP Chief Azurin

Pagpapataas sa rice buffer stock, kailangan bago tumama ang El Niño

Inilatag ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga agarang aksyon upang masolusyunan ang tinatawag na food inflation sa bansa. Ito ang naging laman ng ulat ni NEDA USec. Rosemarie Edillon sa naging pagpupulong ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) kamakailan. Sa kaniyang ulat, sinabi ni Edillon na kailangang pataasin… Continue reading Pagpapataas sa rice buffer stock, kailangan bago tumama ang El Niño

Bagong PNP Chief, bukas sa puna ng mga kritiko

Welcome kay bagong PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagpuna ng mga kritiko. Sa kaniyang mensahe matapos na manumpa sa kaniyang bagong katungkulan ngayong umaga, sinabi ni Gen. Acorda na ang mga kritiko ay nagsisilbing “check and balance” ng PNP. Kasabay nito, nanawagan naman sa mga miyembro ng media si Acorda na suportahan… Continue reading Bagong PNP Chief, bukas sa puna ng mga kritiko

Ground operation sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang mga pagkidlat

Naglabas ng Lightning Red Alert ang Manila International Airport Authority ngayong 11:24 ng umaga. Kanselado muna ang ground operation sa paliparan dahil sa pagkidlat. Ayon sa MIAA, ginawa ang pansamantalang tigil operasyon para matiyak ang seguridad ng pasahero at mga tauhan doon. | ulat ni Don King Zarate Agad maglalabas ng Abiso ang MIAA kapag… Continue reading Ground operation sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang mga pagkidlat

Sunog sa Taguig, naapula na

Alas-9:02 ngayong umaga nang ideklarang “Fire Out” ang sunog sa Purok 7, PNR Site, FTI Western Bicutan, Taguig City. Aabot sa 15 bahay ang natupok. Dikit-dikit ang bahay sa lugar at pahirapan bago mapasok ng mga bumbero. Ayon kay Fire Supt. Eddie Tanawan, patuloy pa nilang inaalam kung paano nagsimula ang sunog na mabot sa… Continue reading Sunog sa Taguig, naapula na

Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Nais ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na palakasin pa ang kapasidad ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA). Sa kaniyang pagharap sa PMMA kamakailan para sa pagpapasinaya ng life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal, sinabi nito na inaaral na sa kamara ang pag-convert… Continue reading Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Pres. Marcos Jr, pinangunahan ang Change of Command ceremony sa liderato ng PNP. 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalit ng liderato sa Philippine National Police (PNP). Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo, sinabi nitong sana ay madala ng bagong liderato ng PNP sa katauhan ni PNP Chief General Benjamin Acorda ang buong puwersa ng Kapulisan. Direktiba ng Punong Ehekutibo, dapat maramdaman ang presensiya ng mga… Continue reading Pres. Marcos Jr, pinangunahan ang Change of Command ceremony sa liderato ng PNP. 

Red tide alert, nakataas pa rin sa ilang baybayin sa bansa — BFAR

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa ilang baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar;… Continue reading Red tide alert, nakataas pa rin sa ilang baybayin sa bansa — BFAR

BIR, nagpaalala sa VAT Return Deadline sa April 25

Muling pinaalalahanan ngayon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga taxpayer at kumpanya na asikasuhin na ang paghahain at pagbabayad ng Quarterly VAT Returns bago ang deadline bukas, April 25. Kabilang rito ang mga indibidwal o corporate taxpayer na may negosyo at may actual gross sales na higit sa ₱3-million.… Continue reading BIR, nagpaalala sa VAT Return Deadline sa April 25

Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Nagsimula na ngayong araw ang SIM-assisted registration ng Quezon City Local Government para sa mga residente nitong hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang SIM. Kaninang alas-10 ng umaga, may ilan nang nakapila sa mga booth ng telco na Globe at Smart na nakapwesto sa loob ng QC Hall Compound. Kabilang dito ang ilang senior citizen na… Continue reading Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall