Huwag maniwala sa fake news, GCash accounts are safe!

I-register ang SIM para tuloy-tuloy ang mga e-wallet transactions Hindi totoo ang mga kumakalat na mga post ngayon sa social media ukol sa di umano’y maaaring pagkawala ng laman ng GCash accounts dahil sa isasagawang “update” kaugnay ng nakatakda sanang pagtatapos ng SIM registration sa bansa ngayong ika-26 ng Abril. Matatandaang pinalawig na ng 90… Continue reading Huwag maniwala sa fake news, GCash accounts are safe!

Bagong satellite office ng DSWD, binuksan sa Rodriguez, Rizal

Binuksan na ng Department of Social Welfare and Development ang operasyon ng Satellite Office nito sa Rodriguez Rizal. Ayon sa DSWD, mismong sa Municipal Hall ng Rodriguez inilagay ang bago nilang satellite office. Maaari nang maka-access sa social protection services ng ahensya ang mga residente ng Rodriguez at San Mateo sa lalawigan ng Rizal. Dahil… Continue reading Bagong satellite office ng DSWD, binuksan sa Rodriguez, Rizal

Working Visit ng Pangulo sa US, pagkakataon upang matalakay ang EDCA ayon sa lady solon

Sinabi ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos na magandang pagkakataon ang magiging working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos para matalakay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), partikular ang bagong terms and conditions nito. Kabilang sa mga tinukoy ni Senadora Imee na dapat ikonsidera ay ang probisyon… Continue reading Working Visit ng Pangulo sa US, pagkakataon upang matalakay ang EDCA ayon sa lady solon

Suliranin sa sektor ng edukasyon, kailangan munang tugunan bago ibalik ang dating academic calendar — Mambabatas

Kailangang matugunan muna ang mga usapin sa sektor ng edukasyon bago muling ibalik sa dating academic calendar ang pasok ng mga mag-aaral sa mga paaralang nasa ilalim ng Department of Education (DepEd). Pahayag ito ni House Committee on Basic Education Chair Rep. Roman Romulo kasunod ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinag-aaralan… Continue reading Suliranin sa sektor ng edukasyon, kailangan munang tugunan bago ibalik ang dating academic calendar — Mambabatas

Sen. Cynthia Villar, nagsalita na tungkol sa nag-viral na video na pinapagalitan umano nito ang ilang guwardiya

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na may malicious intent ang paglalabas ng video na pinagsasabihan ang guard ng isang subdivision sa Las Piñas City. Sa pananaw ni Villar, may kinalaman ito sa inihain niyang kaso kaugnay ng pagbubukas ng ilang kalsada ng BF Resort Village sa publiko. Una na kasing kinatigan ng Las Piñas Regional… Continue reading Sen. Cynthia Villar, nagsalita na tungkol sa nag-viral na video na pinapagalitan umano nito ang ilang guwardiya

554 na gambling, smishing, phishing sites na-block ng Globe mula Enero-Marso 2023

Sa mas pinaigting na kampanya ng Globe kontra sa mga ilegal na gawain gamit ang internet, na-block nito ang 554 websites na may kinalaman sa gambling, smishing at phishing sa unang tatlong buwan ng taon. Mas mataas ng 41.3% ang bilang ng mga website na naharang ng Globe mula Enero hanggang Marso kumpara sa 392… Continue reading 554 na gambling, smishing, phishing sites na-block ng Globe mula Enero-Marso 2023

Telcos, dapat gawing user-friendly ang SIM registration — mambabatas

Umaasa si Senador Jinggoy Estrada na sa susunod na 90 araw ng extended period ng SIM registration ay magpapatupad ang telecommunications companies (telcos) ng mga hakbang para maging user-friendly ang proseso. Base kasi aniya sa nakalap nilang impormasyon, nahihirapan ang mga subscriber sa proseso ng SIM registration habang ang iba naman ay nagrereklamo sa kawalan… Continue reading Telcos, dapat gawing user-friendly ang SIM registration — mambabatas

SILG Abalos, pinatitiyak ang seguridad at kaayusan sa Labor Day

Inatasan na ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. ang local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na magkasa na ng mga paghahanda para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa May 1, 2023. Partikular na pinaalalahanan ng kalihim ang mga lungsod sa Metro Manila… Continue reading SILG Abalos, pinatitiyak ang seguridad at kaayusan sa Labor Day

Deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty, hanggang Hunyo 14 na lamang — BIR

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na pinalawig hanggang Hunyo 14, ngayong taon ang deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty. Ang extension ng panahon para sa tax amnesty ay alinsunod sa Revenue Regulations No. 17-2021 na inisyu ng BIR noong Agosto 3, 2021. Sakop ng Estate Tax Amnesty ang ari-arian ng mga yumao na… Continue reading Deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty, hanggang Hunyo 14 na lamang — BIR

DICT, 13 pang ahensya ng pamahalaan, lumagda sa kasunduan para sa e-governance

Lalarga na tungo sa digitalisasyon ang 13 ahensiya ng pamahalaan. Kasunod na rin ng paglagda ng mga ito sa isang memorandum of understanding (MOU) para sa e-governance sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa ilalim ng kasunduan ay magtutulungan ang bawat ahensya para sa pag-streamline ng kanilang mga proseso sa pamamagitan… Continue reading DICT, 13 pang ahensya ng pamahalaan, lumagda sa kasunduan para sa e-governance