Minobilisa ng Philippine National Police (PNP) ang mga force multipliers kasama ang anti-crime civic groups, barangay peacekeepers, at NGOs para mapabilis ang pagresponde sa anumang insidente ngayong Semana Santa at Ramadan.
Ayon kay PNP Officer in Charge Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, ito’y kabilang sa 3-point bucket list ng security coverage na ipatutupad ng PNP para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa panahong ito.
Una sa bucket list ang pagpigil ng krimen sa pamamagitan ng “Ligtas sumvac 2023” campaign kung saan 38,000 pulis ang idineploy sa mga Police Assistance Desks sa buong bansa para umalalay sa mga biyahero at bakasyonista.
Panghuli sa bucket list ang paalala ni Sermonia sa lahat ng tauhan ng PNP na panatilihin ang kanilang “physical and mental fitness” para sa mabilis na pag-responde sa anumang situasyon sa panahong ito.
Nagpasalamat din si Lt. Gen. Sermonia kay Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na ipinagkatiwala sa kanya ang pamamahala ng security coverage ng Semana Santa habang wala si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. | ulat ni Leo Sarne