Pamilya Degamo, isiniwalat na may ilang pulis na nagsilbing spotter sa patayan sa Negros Oriental bago pa ang pagpatay kay Gov. Degamo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isiniwalat ng kampo ng pamilya Degamo na may ilang pulis sa Negros Oriental ang ginagamit di umano ng ilang pulitiko doon para sa kanilang ilegal na aktibidad.

Ito ang inihayag ni Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo sa ipinatawag na pulong balitaan ng Special Task Force Degamo, sa Kampo Crame ngayong araw.

Ayon kay Atty. Baligod, ang mga pulis aniyang ito ay nagsisilbing spotter sa mga nangyaring patayan sa lalawigan mula pa noong taong 2012.

Ilan aniya sa mga ito ay humahawak pa ng matataas na ranggo, habang may ilang nananatili pa rin sa lalawigan at paligid-ligid pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Gayunman, tumanggi nang sagutin ni Baligod kung ang mga tinutukoy na pulis ay may kaugnayan din sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Sa panig naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, bilang Chairperson ng National Police Commission ay kanilang aalamin ang isiniwalat na impormasyon ni Atty. Baligod at pananagutin kung sino-sino itong mga pulis na ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us