Suspek sa pagbabato ng gunting na nagresulta sa malubhang sugat ng katrabaho, arestado sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado sa Binondo, Manila ang repacker ng isang parcel sorting station matapos magtamo ng sugat ang kanyang katrabaho dahil sa umano’y pambabato ng gunting.

Kinilala ni PMaj. Victor De Leon, deputy station commander ng Meisic Police Station, ang suspect na si Norhana Alamada.

Ayon kay De Leon, nagkaroon ng alitan sina Alamada at ang helper na si Calvin Klein Dalde ngunit nang maabutan sila ng kanilang amo ay naawat ang dalawa ng kanilang mga katrabaho.

Nag-ugat ang away sa pag-uutos ni Alamado kay Dalde.

Nang magkalayo ang dalawa, nakakuha umano si Alamado ng gunting sa mesa at ibinato kay Dalde.

Tumama ang gunting sa likod ni Dalde at nagtamo ito ng malubhang sugat.

Dahil sa pagkakabaon ng gunting sa katawan, isugod siya sa ospital.

Dagdag ni De Leon, madalas umano ang alitan sa pagitan ng suspect at biktima tuwing nagtrabaho.

Nahaharap si Alamado sa kasong frustrated homicide. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us