Dagdag na employment opportunities sa Pinoy seafarers, asahan sa ilalim ng Marcos Admin

Naniniwala si MARINO Party-list Rep. Sandro Gonzales na bubuhos pa ang employment opportunities para sa mga Pilipinong mandaragat kasunod ng US trip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kung matatandaan, mismong ang CEO ng Carnival Corporation ang naghayag na plano nilang kumuha ng 75,000 na Filipino seafarers. Partikular na nagustuhan ng kumpanya ang pagiging competitive… Continue reading Dagdag na employment opportunities sa Pinoy seafarers, asahan sa ilalim ng Marcos Admin

BOC, pansamantalang sinuspinde ang visiting hours sa Bilibid dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Corrections ang visiting hours sa New Bilibid Prisons dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapng Jr., matapos makapagtala ng 32 kaso ng COVID-19 nitong May 2 at 16 naman ang nagpositibo kahapon, May 3. Karamihan sa tinamaan ng sakit ay naka-confine… Continue reading BOC, pansamantalang sinuspinde ang visiting hours sa Bilibid dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

ACG sa publiko: I-report ang mga mapanganib na prank video

Nanawagan ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko na i-report ang mga mapanganib na prank video at iba pang ilegal na online content. Ang panawagan ay ginawa ni ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia, kasabay ng paalala sa mga content creator na maging responsable sa kanilang ginagawang mga prank video.  Ito… Continue reading ACG sa publiko: I-report ang mga mapanganib na prank video

Ilang vape shops sa Valenzuela, surpresang ininspeksyon ng DTI

Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang vape shops sa Valenzuela upang suriin ang compliance ng mga ito sa Republic Act 11900 (Vape Law). Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng DTI laban sa bentahan ng unregulated vape products. Kasama sa naginspeksyon sina DTI Usec. Ruth Castelo at Valenzuela… Continue reading Ilang vape shops sa Valenzuela, surpresang ininspeksyon ng DTI

Dalawang karagdagang fast attack craft ng Phil. Navy, bebendisyunan sa Lunes

Bebendisyunan ng Philippine Navy ang kanilang dalawang bagong-deliver na Fast Attack Interdiction Craft – Missile (FAIC-M) gunboat sa darating na Lunes. Ang dalawang Acero-Class gunboat ay papangalanang BRP GENER TINANGAG (PG903) at BRP DOMINGO DELUANA (PG905) sa christening Ceremony sa Naval Shipyard, Naval Sea Systems Command, Naval Station Pascual Ledesma, Fort San Felipe, Cavite City.… Continue reading Dalawang karagdagang fast attack craft ng Phil. Navy, bebendisyunan sa Lunes

Naganap na data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, pinasisiyasat sa Kamara

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara upang imbestigahan ang naganap umanong ‘data breach’ sa ilang ahensya ng pamahalaan. Salig sa House Resolution 931, inaatasan ang House Committee on Information and Communications Technology na magkasa ng investigation “in aid of legislation” sa napaulat na data breach sa records ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation,… Continue reading Naganap na data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, pinasisiyasat sa Kamara

Higit 30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela

Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Isabela kasunod ng tumamang Magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan kaninang umaga. Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-11 ng umaga ay mayroon nang 39 aftershocks ang naitala. Mula rito, 9 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang… Continue reading Higit 30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela

Pagiging operational ng mga bagong EDCA sites sa lalong madaling panahon, natalakay sa pulong sa Pentagon

Minamadali na ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagiging operational ng apat na karagdagang sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng dalawang bansa. Ito, ayon kay Pentagon Press Secretary Brigadier General Pat Ryder, ay isa lamang sa mga natalakay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Defense Secretary Llyod Austin sa… Continue reading Pagiging operational ng mga bagong EDCA sites sa lalong madaling panahon, natalakay sa pulong sa Pentagon

Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act, pasado na sa Ways and Means Committee

Pinagtibay ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magpaparusa sa mga indibidwal magpapasok o maglalabas ng bulto ng pera sa Pilipinas. Sa ilalim ng Anti-Bulk Cash Smuggling Bill, mahaharap sa pito hanggang 14 na taong pagkakakulong at multa na doble sa halaga ng tinangka nitong i-smuggle na pera ang sinomang pisikal na magpapasok… Continue reading Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act, pasado na sa Ways and Means Committee

Jr. officers ng PNP na sangkot sa droga, tutukuyin ng PNP

Susunod na tutukuyin ng Philippine National Police (PNP) ang mga junior officers na sangkot sa ilegal na droga. Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., matapos makumpleto ng 5-man advisory group ang pagsala sa mga 3rd Level officers ng PNP. Ayon kay Acorda, hindi magtatapos sa mga matataas na opisyal ang… Continue reading Jr. officers ng PNP na sangkot sa droga, tutukuyin ng PNP