Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

Photo courtesy of Department of National Defense

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang patuloy na suporta ng kagawaran sa National Defense College of the Philippines (NDCP). Ito ay sa ginawang “field visit” ng NDCP Master in National Security Administration (MNSA) Regular Class 58 (RC58) sa Office of Civil Defense New Administrative building,… Continue reading Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer na kumuha lang ng isang Tax Identification Number (TIN). Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang sinumang indibidwal na nakakuha ng higit sa isang TIN ay lumalabag sa National Internal Revenue Code. May katapat umano itong multa na Php1,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa… Continue reading BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

Sisimulan na ng PNP ang imbestigasyon sa umano’y kulang na service recognition incentive (SRI) bonus na natanggap ng ilang mga pulis. Sa isang ambush interview kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at sa iba pang… Continue reading Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

PCSO, nagsagawa ng medical caravan sa lungsod ng Marikina

Nagsagawa ng medical assistance ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga residente ng lungsod ng Marikina. Sa naturang okasyon, nabahagian ang mga taga-Marikina ng libreng dental at medical consultation, bunot ng ngipin, mga gamot, at grocery packs. Ang mga serbisyong ito ay karadagdagan sa regular na libreng medical at health care services na ipinagkakaloob ng… Continue reading PCSO, nagsagawa ng medical caravan sa lungsod ng Marikina

Isang bahay ampunan sa QC, ipinasara ng DSWD

Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development ang isang bahay ampunan sa Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City. Batay sa ulat, inisyuhan ng Cease-and-Desist Order ng DSWD ang Gentle Hands Inc. (GHI) dahil hindi ito nakasunod sa minimum standards para sa residential facilities para sa mga bata. Paglabag umano ito sa Republic Act No.… Continue reading Isang bahay ampunan sa QC, ipinasara ng DSWD

100 drivers, sumailalim sa Road Safety Seminar sa PITX ngayong araw

Sumailalim sa Road Safety seminar sa PITX ang 100 drivers ngayong araw. Ayon kay PITX Corporate Affairs Gov’t Relation Head Jayson Salvador, layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga driver, pasahero at kapwa driver na nakakasabay sa lansangan. Binigyang pansin din ang malusog na paningin ng mga driver na isa sa importante sa pagmamaneho.… Continue reading 100 drivers, sumailalim sa Road Safety Seminar sa PITX ngayong araw

P240M grant, ipinagkaloob ng U.S. Sa mga lokal na ngo sa pagdiriwang ng International Day of Diodiversity

Ipinagkaloob ng United States Agency for International Development (USAID) ang kabuuang 240 milyong piso ($4.3 Million) grant sa mga lokal na Non-Government organization sa pagdiriwang ng International Day for Biological Diversity, kahapon. Ang naturang grant ay pampondo sa 11 proyekto na tutugon sa mga hamon dulot ng climate change sa iba’t ibang mga komunidad sa… Continue reading P240M grant, ipinagkaloob ng U.S. Sa mga lokal na ngo sa pagdiriwang ng International Day of Diodiversity

Higit 200 na PDL sumailalim sa Anger Management ng Bureau of Correction

Inaasahan na mas magiging mapayapa ang pang araw araw na pamumuhay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) habang sila ay nasa Penal Farm. Ito ay matapos isailalim sa Anger Management ang ilang PDL tulad ng 273 na PDL sa San Ramon Prison and Penal Farm. Matatandaan may pagkakataon na nagkakainitan sa loob ng mga… Continue reading Higit 200 na PDL sumailalim sa Anger Management ng Bureau of Correction

Ilang produkto na galing Davao, mabibili rin sa Kadiwa sa Parañaque City

Binuksan ngayong araw ang Kadiwa on Wheel sa Phase 1,(PHIMRA) Brgy. Moonwalk. Bukod sa mga murang gulay tulad ng talong na ₱40 kada kilo, kalabasa na ₱20 kada kilo ay mabibili rin ang mga prutas galing sa Davao tulad ng Lakatan Davao, ₱80/kg at Avocado Davao, ₱150/kg. Ayon kay Michael Villafuerte Butuhan ng Duran Farm,… Continue reading Ilang produkto na galing Davao, mabibili rin sa Kadiwa sa Parañaque City

Ilang tauhan ng NPD, ipinasisibak sa pwesto ni NCRPO Chief Okubo

Ipinasisibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Edgar Alan Okubo ang ilang tauhan ng Northern Police District (NPD). Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril at paghagis ng granada ng ilang suspek sa tanggapan ng NPD-Drug Enforcement Unit sa Caloocan City. Ayon kay NCRPO Chief, kabilang sa kanyang… Continue reading Ilang tauhan ng NPD, ipinasisibak sa pwesto ni NCRPO Chief Okubo