AFP, nakahanda na para sa bagyong Mawar

Inalerto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang mga search, rescue and retrieval unit sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng paparating na bagyong Mawar. Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, na may atas na ang pamunuan ng AFP sa lahat ng unified commands na siguraduhin ang… Continue reading AFP, nakahanda na para sa bagyong Mawar

Mga batang ni-rescue mula sa Gentle Hands, maaari pang maibalik sa orphanage oras na maging compliant na ang pasilidad

Posible pang maibalik sa Gentle Hands Orphanage ang mga bata na ni-rescue ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nananatili na sa pasilidad ng departamento sa Alabang, Quezon City, at Mandaluyong. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, na hindi naman inaangkin ng pamahalaan ang kustodiya sa mga… Continue reading Mga batang ni-rescue mula sa Gentle Hands, maaari pang maibalik sa orphanage oras na maging compliant na ang pasilidad

Panukalang ideklara ang March 15 bilang “National Frontliner’s day,” lusot na sa House Panel

Aprubado na ng House Committee on Health ang panukalang ideklara ang March 15 bilang “National Frontliner’s Day”. Ayon kay Marikina Representative Stella Luz Quimbo, na may akda ng House bill 2248, paraan ito upang pasalamatan ang frontliners na nagsilbing mga bayani noong pandemic. Ang March 15 ay ang petsa kung kalian nagsimula ang COVID-19 lockdown… Continue reading Panukalang ideklara ang March 15 bilang “National Frontliner’s day,” lusot na sa House Panel

20% discount sa pagkuha ng driver’s license ng mahihirap na PUV drivers, isinusulong sa Kamara

Naghain ng panukalang batas si Davao City Representative Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas,  upang bigyan ng 20 percent discount ang mga mahihirap na public utility vehicle (PUV) driver sa pagkuha ng professional driver’s license. Ang House bill 8070 ay iniakda nila Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap. Sakop ng… Continue reading 20% discount sa pagkuha ng driver’s license ng mahihirap na PUV drivers, isinusulong sa Kamara

“The Philippine Gazette”, ipakakalat sa iba’t ibang terminal at istasyon ng tren

Inilunsad na ng Presidential Communications Office (PCO) – Bureau of Communications Services (BCS) ang pahayagan nitong The Philippine Gazette. Isa itong libreng pahayagan na magsisilbing tulay ng pamahalaan, upang maiparating sa mga Pilipino ang impormasyon kaugnay sa pinakahuling proyekto at programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Base sa impormasyon mula sa PCO, maaaring makakuha… Continue reading “The Philippine Gazette”, ipakakalat sa iba’t ibang terminal at istasyon ng tren

MMDA, puspusan na ang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar sa Kalakhang Maynila

Naghahanda na ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng MMDA para sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa Philippine Area of Responsibility. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ihahanda na nito ang kanilang disaster response units sa ‘areas of concern’ sa National Capital Region. Ito’y sa mga lugar ng Marikinas… Continue reading MMDA, puspusan na ang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar sa Kalakhang Maynila

DSWD, tiniyak na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang inilipat mula sa Gentle Hands

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Association of Child Caring Agencies of the Philippines (ACCAP) at Commission on Human Rights na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang pansamantalang inilipat mula sa ipinasarang Gentle Hands Inc. (GHI) orphanage sa Quezon City. Pahayag ito ng ahensya matapos na magpadala ng liham ang ACCAP… Continue reading DSWD, tiniyak na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang inilipat mula sa Gentle Hands

Pamahalaan, umaapela ng kooperasyon mula sa residente ng mga lugar na maaapektuhan ng bagyo

Umaapela ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko, partikular mula sa mga lugar na madadaanan ng bagyong Mawar na makinig sa payo ng kanilang local officials. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Joint Information Center Head Diego Mariano, na kung nakakakita na ng bitak o paglambot ng lupa sa kinatitirihan ng kanilang bahay… Continue reading Pamahalaan, umaapela ng kooperasyon mula sa residente ng mga lugar na maaapektuhan ng bagyo

Bacoor LGU, naghahanda na sa epekto ng bagyong Betty

Puspusan na rin ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite sa epektong posibleng idulot ng bagyong Betty, sa sandaling makapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Ngayong araw, nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang Sangguniang Lungsod, Department Heads, at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office… Continue reading Bacoor LGU, naghahanda na sa epekto ng bagyong Betty

Mahigit 430 barangay officials, may kaugnayan sa ilegal na droga ayon sa PNP Chief

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na aktibong mino-monitor ngayon ng PNP ang mahigit 430 opisyal ng barangay na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ang sinabi ng PNP Chief sa isang ambush interview, matapos dumalo sa BIDA Workplace Program ng Department of the Interior and Local Government… Continue reading Mahigit 430 barangay officials, may kaugnayan sa ilegal na droga ayon sa PNP Chief