Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal

Sinimulan na ng ilang munisipalidad sa Lalawigan ng Rizal ang implementasyon ng Special Program for Employment of Students (SPES). Ikinasa ng mga lokal na pamahalaan ng San Mateo at Tanay ang orientation para sa mga benepisiyaryo ng SPES, upang ipaliwanag ang mga dapat asahan sa programa at ang matatanggap na kompensasyon. Limampung kabataan ang dumalo… Continue reading Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal

Urgent certification sa Maharlika Investment Fund bill, naaayon sa konstitusyon — Sen. Villanueva

Sang-ayon si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa urgent bill certification na ibinigay ng Malacañang sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Sinabi ito ni Villanueva, kasunod ng naging pahayag ni Minority Leader Koko Pimentel na unconstitutional ang urgent bill certification sa naturang panukala. Paliwanag ngayon ng majority leader, ang urgent bill certification ay ginagawa ng… Continue reading Urgent certification sa Maharlika Investment Fund bill, naaayon sa konstitusyon — Sen. Villanueva

Agricultural lands na posibleng nasalanta ng bagyong Betty, higit na sa 309,000 ektarya — DA

Lumobo na sa 309,364 ektarya ng standing crops ang nanganganib na maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Betty sa Northern Luzon. Ito ay batay sa pinagsama-samang datos ng mga rehiyon na madadaanan ng bagyo. Sa kabuuang bilang, 232,833 ektarya dito ay mga palayan at 76,531 ektarya naman ay taniman ng mais. Pero, ayon sa Department of… Continue reading Agricultural lands na posibleng nasalanta ng bagyong Betty, higit na sa 309,000 ektarya — DA

Pagbuo ng isang Agriculture Information System, pasado na sa Kamara

Aprubado na sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na layong magtatag ng isang agriculture information system. Sa ilalim ng HB 7942 o Agriculture Information System (AIS) Bill, ang lahat ng lungsod at bayan sa buong bansa ay aatasan na magkaroon ng agriculture database kung saan nakasaad ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa agricultural… Continue reading Pagbuo ng isang Agriculture Information System, pasado na sa Kamara

Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (NAPOLCOM). Ito ay para alamin kung may katotohanan na pinepeke umano ng ilang pulis ang kanilang accomplishment para ma-promote sa pwesto. Ginawa ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pahayag, kasunod ng nabunyag sa pagdinig ng Kamara kamakailan. Doon, inihayag… Continue reading Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP

Pagtatakda ng Maritime Zones na sakop ng Pilipinas, lusot na sa huling pagbasa

Pasado na sa House of Representatives ang panukalang batas na magtatakda at magdedeklara ng maritime zones na sakop ng Pilipinas. 284 na boto ang nakuha ng House Bill 7819 na layong tukuyin at ideklara ang bahagi ng maritime area ng Pilipinas salig sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS. Sakop… Continue reading Pagtatakda ng Maritime Zones na sakop ng Pilipinas, lusot na sa huling pagbasa

Panukalang pagtatatag ng specialty hospitals sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, aprubado na sa Senado

Lusot na sa Mataas na Kapulungan ng Senado ang panukalang batas tungkol sa pagtatatag ng mga specialty hospitals sa bawat rehiyon sa Pilipinas o ang Senate Billl 2212. Unanimous ang naging boto pabor sa naturang panukala kung saan lahat ng 24 na mga senador ang pumabor dito. Matatandaang ang panukalang ito ay bahagi ng mga… Continue reading Panukalang pagtatatag ng specialty hospitals sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, aprubado na sa Senado

DSWD, may paglilinaw sa pagpapasara sa isang pribadong bahay ampunan

Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ilang beses niyang binigyan ng babala ang Gentle Hands, Inc. Orphanage bago ipinasara. Tugon ito ng kalihim sa pahayag ng pamunuan ng private orphanage na hindi sila binigyan ng due process. Paliwanag ng kalihim, bago nag-isyu ng Cease-and-Desist Order ang DSWD ay tatlong… Continue reading DSWD, may paglilinaw sa pagpapasara sa isang pribadong bahay ampunan

Panukalang pagpapalawig sa deadline ng estate tax amnesty, pasado na sa Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025 (Senate Bill 2219). Sa naging botohan, 24 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain. Sa ilalim ng panukala, layong amyendahan ang… Continue reading Panukalang pagpapalawig sa deadline ng estate tax amnesty, pasado na sa Senado

MIAA naglabas ng abiso hinggil sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang publiko na palagiang sumubaybay sa kanilang facebook page. Ito’y para sa mga pinakahuling ulat hinggil sa flight schedule ngayong araw na ito maging hanggang bukas, Mayo 30. Nagpalabas kasi ng abiso ang MIAA na posibleng magbago ang flight schedule sa mga commercial flight bunsod na rin… Continue reading MIAA naglabas ng abiso hinggil sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw