Wala pang pinal na desisyon ang Department of Agriculture sa volume ng aangkating pula at puting sibuyas.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Asec. Rex Estoperez, kasama sa ikinukonsidera ang 8,000 metriko toneladang puting sibuyas para sa institutional buyers.
Posible ring agad na mailabas na ang import order ngayong buwan nang hindi na aniya tumagal pa at lalo pang tumaas ang presyuhan ng sibuyas sa merkado.
Kaugnay nito, patuloy naman aniyang sinisikap ng DA na magawan ng paraan para makipagtulungan na ang mga may hawak sa cold storage facilities at mailabas ang kanilang mga tinatagong suplay ng sibuyas.
Kasama rin sa patuloy na pinag-aaralan ng DA ang pagtatakda ng suggested retail price sa presyo ng sibuyas para masolusyunan ang problema sa mga trader na nagmamanipula sa presyo ng lokal na sibuyas. | ulat ni Merry Ann Bastasa