Balik normal na ang sitwasyon sa maximum-security compound ng New Bilibid Prison matapos mag negatibo na ang ilan sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob ng naturang piitan.
Batay sa inilabas na datos mula sa NBP, 39 na PDLs mula sa maximum-security compound ang nag-negatibo na sa COVID-19.
Habang isa rin ang nag-negatibo sa medium security compoung habang isa na lamang ang nagpositibo sa COVID-19.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing sa loob ng NBP upang maipasuri ang mga ito at nang hindi na kumalat pa ang naturang virus. | ulat ni AJ Ignacio