Publiko, dapat na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig sa gitna ng mainit na panahon — NWRB

Umaapela ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig, bilang paghahanda sa pinaka epekto ng inaasahang El Niño phenomenon sa Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na nakikita na kasi ang kabawasan sa mga mararanasang pag-ulan sa bansa dahil… Continue reading Publiko, dapat na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig sa gitna ng mainit na panahon — NWRB

Mahigit 83% ng baybaying apektado ng oil spill, nalinis na

Nalinis na ang 83 porsyento ng mga baybayin na apektado ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa karagatan ng Oriential Mindoro, Pebrero 28. Batay ito sa iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpupulong ng National Task Force on Oil Spill Management ngayong araw, na 66 na kilometro na ang… Continue reading Mahigit 83% ng baybaying apektado ng oil spill, nalinis na

Muling pagbubukas ng Mindanao sa Int’l Tourism, malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya — DOT

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na ito na ang tamang panahon para muling buksan sa buong mundo ang magagandang tanawin at mayamang kultura ng Mindanao. Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco matapos na lumagda ito ng Memorandum of Agreement kasama ang Department of National Defense (DND) at Department of the Interior… Continue reading Muling pagbubukas ng Mindanao sa Int’l Tourism, malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya — DOT

House Speaker Romualdez: Pagpataw ng panibagong suspensyon kay Rep. Teves, trabaho lang

Walang halong pamemersonal ang panibagong disciplinary action na ipinataw ng Kamara laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ginagampanan lamang ng Kapulungan ang tungkulin sa taumbayan at pinoprotektahan ang integridad ng institusyon. “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng Kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa… Continue reading House Speaker Romualdez: Pagpataw ng panibagong suspensyon kay Rep. Teves, trabaho lang

BuCor, nakatakdang isailalim ang nasa 98 jail guards sa leadership seminar sa New Bilibid Prison

Nakatakdang isailalim sa leadership seminar ang aabot sa 98 jail guards na natanggal sa kanilang pwesto sa maximum-security compound ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na hindi lang persons deprived of liberty ang kanilang isinasailalim sa reporma, kabilang rin aniya sa kinakailangan ireporma… Continue reading BuCor, nakatakdang isailalim ang nasa 98 jail guards sa leadership seminar sa New Bilibid Prison

NWRB, nagpaliwanag sa desisyong panatilihin ang dagdag alokasyon ng MWSS sa Angat Dam ngayong Hunyo

Umaasa ang National Water Resources Board (NWRB) na magkakaroon ng sapat na panahon ang Manila Water Sewerage System (MWSS) na makumpleto ang mga ginagawa nitong rehabilitasyon at water recovery efforts. Ito ang isa sa mga dahilan ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David kung bakit inaprubahan muli ng board ang hirit ng MWSS na… Continue reading NWRB, nagpaliwanag sa desisyong panatilihin ang dagdag alokasyon ng MWSS sa Angat Dam ngayong Hunyo

Mga panukalang batas na naipasa ng Senado sa unang taon ng 19th Congress, ibinida ni SP Zubiri

22 panukalang batas na resulta ng trabaho ng first regular session ng 19th congress ang nakapila na para sa pag-apruba at pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bago tuluyang magsara ang sesyon ng senado kagabi para sa sine die adjournment, ibinida ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga nagawa ng mataas na kapulungan… Continue reading Mga panukalang batas na naipasa ng Senado sa unang taon ng 19th Congress, ibinida ni SP Zubiri

Ikalawang inter-operability exercise ng Philippine Army at Air Force, isasagawa

Kasunod ng tagumpay ng unang inter-operability exercise (IOX) ng Philipphine Army at Philipphine Air Force, pinagpaplanuhan na ng dalawang sangay ng sandatahang lakas ang kanilang ikalawang sabayang pagsasanay. Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, layon ng pagsasanay na mapahusay ang integration ng ground at air capabilities ng dalawang pwersa para sa mas epektibong… Continue reading Ikalawang inter-operability exercise ng Philippine Army at Air Force, isasagawa

Zubiri, kumpiyansang malulusutan ng MIF ang mga pagkwestyon ng Korte Suprema

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na kayang lusutan ng naaprubahan nilang Maharlika Investment Fund Bill ang “test of judicial scrutiny” ng Korte Suprema. Ayon kay Zubiri, nangyayari namang may kumukwestiyon sa mga naaaprubahang batas ng kongreso at hindi malabong mangyari ito sa Maharlika Investment Fund sakaling maisabatas ito. Pero naniniwala ang senate president… Continue reading Zubiri, kumpiyansang malulusutan ng MIF ang mga pagkwestyon ng Korte Suprema

PNP Chief, nagpasalamat sa Kongreso at NAPOLCOM sa pagsulong ng restructuring ng PNP

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Kongreso at sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagsulong ng hakbang na magre-restructure sa PNP. Ito’y matapos na aprubahan ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang amyenda sa Republic Act No. 6975 o Local Government Act of 1990 at RA No. 8551… Continue reading PNP Chief, nagpasalamat sa Kongreso at NAPOLCOM sa pagsulong ng restructuring ng PNP