PCSO, sinuspinde ang STL operations sa probinsya ng Cebu at Southern Leyte

Sinuspinde ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang Authority to Operate ng Saturn Gaming N’ Amusement Corporation na nag-ooperate sa lalawigan ng Cebu at Southern Leyte dahil sa paglabag sa mga iligal na aktibidad sa naturang mga lalawigan. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ito’y matapos lumabag sa panuntunan ng PCSO ang naturang… Continue reading PCSO, sinuspinde ang STL operations sa probinsya ng Cebu at Southern Leyte

DFA, inumpisahan na ang kampanya para makakuha ng pwesto sa UN Security Council sa taong 2027-2028

Nagsimula nang mangampanya ang Department of Foreign Affairs upang makakuhang muli ng pwesto sa UN Security Council para sa taong 2027-2028. Matatandaang sa ilalim ng United Nations Charter, ang bawat member state ay obligadong mag-ambag ng kani-kanilang share tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan ng mga miyembro ng organisasyon. Ayon kay DFA USec. Eduardo Jose De… Continue reading DFA, inumpisahan na ang kampanya para makakuha ng pwesto sa UN Security Council sa taong 2027-2028

Ganap na pagpapatupad ng MIF, mararamdaman sa loob ng dalawang taon — Sen. Mark Villar

Inaasahan ni Senador Mark Villar na hindi aabutin ng dalawang taon ang ganap na pagpapatupad ng panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF) sakaling maaprubahan na ito bilang isang ganap na batas. Ginawa ng sponsor ng MIF bill sa senado ang pahayag matapos tanggapin at aprubahan ng kamara ang bersyon ng senado ng naturang panukala.… Continue reading Ganap na pagpapatupad ng MIF, mararamdaman sa loob ng dalawang taon — Sen. Mark Villar

Gen. Acorda, muling hinikayat ang mga miyembro ng media na may banta sa buhay na makipag-ugnayan sa PNP

Muling hinikayat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga miyembro ng media na may banta sa kanilang buhay na makipag-ugnayan sa PNP para sa karampatang aksyon. Ang panawagan ng PNP Chief ay kasunod ng pamamaril at pagpatay sa radio commentator na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon.… Continue reading Gen. Acorda, muling hinikayat ang mga miyembro ng media na may banta sa buhay na makipag-ugnayan sa PNP

CAAP, siniguro na hindi maaapektuhan ang air space at flights sa kabila ng missile launching ng North Korea

Muling siniguro ng Civil Aviation Authority of the Philippines na hindi maaapektuhan ang airspace at flights sa Pilipinas hinggil sa paglalaunch ng rocket missile ng North Korea mula May 31 hangang June 11. Ayon kay CAAP Deputy Director General Edgardo Diaz, may aternative airways ang ating bansa na maaring dumaan ang mga aircraft na tutungo… Continue reading CAAP, siniguro na hindi maaapektuhan ang air space at flights sa kabila ng missile launching ng North Korea

Presyo ng bigas, baboy at sibuyas, tumaas nitong Mayo ayon sa PSA

Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities noong nakalipas na buwan ng Mayo base sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, tumaas sa ₱0.18 hanggang sa ₱3.07 ang retail price ng kada kilo ng bigas sa limang trading centers. Nagkaroon din ng pagtaas… Continue reading Presyo ng bigas, baboy at sibuyas, tumaas nitong Mayo ayon sa PSA

BIR, nalagpasan ang tax collection target sa buwan ng Abril

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue na aabot sa ₱336.020 bilyon ang halaga ng buwis na nakolekta nito sa buwan ng Abril. Mas mataas ito ng 11.67% sa kanilang tax collection target para sa naturang buwan na katumbas ng higit ₱35 bilyon. Ayon sa BIR, higit 40% o ₱96 bilyon din itong mas mataas kumpara… Continue reading BIR, nalagpasan ang tax collection target sa buwan ng Abril

MWSS, maghihigpit sa pagpapataw ng penalty sa water concessionaires

Mas maghihigpit na ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa pagpapataw nito ng penalty sa dalawang water concessionaires tuwing mabibigo sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga konsyumer. Kasunod ito sa naging paglagda kamakailan sa revised concession agreement na layong bigyan ng pangil ang kasunduan upang hindi maagrabyado ang mga konsyumer. Kabilang sa… Continue reading MWSS, maghihigpit sa pagpapataw ng penalty sa water concessionaires

Kauna-unahang TESDA Provincial Training Center sa Palawan, pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang dalawang palapag at kauna-unahang Provincial Training Center (PTC) sa lalawigan ng Palawan na matatagpuan sa Bgy. Magara sa Roxas Palawan Mayo 30, 2023

Pinasinayaan na ang dalawang palapag at kauna-unahang Provincial Training Center (PTC) sa lalawigan ng Palawan na matatagpuan sa Bgy. Magara sa Roxas Palawan nitong nakalipas na ika-30 ng Mayo ng taong kasalukuyan. Personal na dinaluhan ito ni TESDA Secretary General Atty. Danilo Cruz kasama sina TESDA MIMAROPA Regional Director Angelina Carreon at TESDA Provincial Director… Continue reading Kauna-unahang TESDA Provincial Training Center sa Palawan, pinasinayaan na

Kasunduan sa pagbuhay ng turismo sa mga insurgency-free na lugar sa Mindanao, nilagdaan ng DND, DOT at DILG

Magtutulungan ang Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) para buhayin ang turismo sa mga insurgency-free communities sa Mindanao. Ito ang nilalaman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong kagawaran na nilagdaan ni DND Undersecretary Angelito M. De Leon, na kumatawan kay DND OIC… Continue reading Kasunduan sa pagbuhay ng turismo sa mga insurgency-free na lugar sa Mindanao, nilagdaan ng DND, DOT at DILG