Desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Taguig-Makati territorial dispute, dapat igalang

Nagpahayag ng pagkaalarma ang lokal na pamahalaan ng Taguig kaugnay sa ipinalalabas na pagbubukas muli ng Taguig-Makati territorial dispute bagamat pinal na itong nadesisyunan ng Korte Suprema. Sa isang statement na ipinalabas ng Taguig City sinabi nito na tinuring lamang nila na “fake news” ang mga unang kumakalat na social media posts na nagsasabing nakausap… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Taguig-Makati territorial dispute, dapat igalang

Speaker Romualdez, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at tumulong na makalaya ang bansa sa kahirapan

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang lahat ng Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at makiisa sa pagtugon sa kinahaharap na hamon ng bansa, bilang pagtanaw na rin ng pasasalamat sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa. Sa pagdalo ng House leader sa selebrasyon ng 125th Independence Day sa… Continue reading Speaker Romualdez, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at tumulong na makalaya ang bansa sa kahirapan

Dating Sen. Rodolfo Biazon, pumanaw na

Kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagpanaw ng kaniyang ama na si dating Sen. Rodolfo Biazon. Sa social media post ng alkalde, sinabi nito na 8:30 ng umaga ngayong Araw ng Kalayaan pumanaw ang dating AFP Chief of Staff at kongresista ng Muntinlupa. 2022 nang ma-diagnose si dating Sen. Biazon ng lung cancer. May… Continue reading Dating Sen. Rodolfo Biazon, pumanaw na

Kalayaan sa kawalan ng trabaho, tampok sa job fair sa 5th district, QC

Nagsagawa ng kalayaan Job Fair ngayong Independence Day sa SM Fairview at SM Novaliches. Aabot sa mahigit 20 iba’t ibang kumpanya ang tumugon sa panawagan ng magkapatid na sina Quezon City 5th District Cong. PM Vargas at Coun. Alfred Vargas para bigyan ng hanapbuhay ang mga kababayan na unemployed. Dinagsa ang Kalayaan Job Fair sa… Continue reading Kalayaan sa kawalan ng trabaho, tampok sa job fair sa 5th district, QC

Kauna-unahang babaeng Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, nagtapos na ang tour of duty

Opisyal nang nagtapos nitong weekend ang tour of duty ng kauna-unahang babaeng ambassador ng bansang Czech Republic sa Pilipinas na si Jana Sediva-Treybalova. Nagsilbing kinatawan ng Czech Republic sa Pilipinas si Sediva ng higit apat na taon. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naiproseso nito ang pag-repatriate ng mga stranded na Czech nationals sa Pilipinas at… Continue reading Kauna-unahang babaeng Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, nagtapos na ang tour of duty

Mga bagong asset na na-acquire ng AFP sa ilalim ng modernization program, itinampok sa Grand Kalayaan Parade

Muling kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay, 125 taon na ang nakakalipas, upang ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas. Sa Grand Kalayaan Parade sa Lungsod ng Maynila, sinabi ng pangulo na angkop lamang para sa kaganapan ngayong araw ang huminto muna at magbalik tanaw sa layo na ng… Continue reading Mga bagong asset na na-acquire ng AFP sa ilalim ng modernization program, itinampok sa Grand Kalayaan Parade

Barko ng BFAR, naglayag papuntang Pag-asa Island para maghatid ng tulong pangkabuhayan sa mga mangingsida ngayong Araw ng Kalayaan

Kasabay ng paggunita ng ika-125 na Kalayaan ng Pilipinas, sasabak sa dalawang araw na paglalayag papuntang Pag-asa Island ang BRP Francisco Dagohoy mula sa Puerto Princesa City. Ang multi-mission offshore civilian patrol vessel na pinatatakbo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay maghahatid ng suportang pangkabuhayan sa mga residente ng Pag-asa Island . Ayon… Continue reading Barko ng BFAR, naglayag papuntang Pag-asa Island para maghatid ng tulong pangkabuhayan sa mga mangingsida ngayong Araw ng Kalayaan

Huli ng tilapia sa Batangas, hindi pa apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

Hindi nakaapekto sa huli ng mga harvester ng tilapia sa Laurel, Batangas ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal at nagdaang bagyo. Ayon kay Mean Gonzales Gapi, ang namamahala ng Sto. Niño Harvester, nagiging matumal lang naman ang huli ng tilapia kapag may mga isdang labas o nahuhuling isda mula Norte. Sa ngayon aniya ay mababa pa… Continue reading Huli ng tilapia sa Batangas, hindi pa apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

PHIVOLCS, may paalala sa mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga apektadong residente ng Bulkang Taal, tungkol sa mga maaaring maganap o maranasan lalo na at nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan. Kabilang dito ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion, volcanic earthquake, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng… Continue reading PHIVOLCS, may paalala sa mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor, pinagkalooban ng livelihood package

Nasa P15,000 hanggang P20,000 ang halaga ng pangkabuhayang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 sa mga magulang ng mga batang nailigtas mula sa child labor. Kasabay ito ng isinagawang Independence Day Job Fair sa San Fernando Pampanga. Nakatanggap ang walong benepisyaryo ng sari-sari store package, chicken breeding package, fruit benefit package,… Continue reading Pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor, pinagkalooban ng livelihood package