Evacuation plan para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan, pinadedetalye ni Sen. Imee Marcos

Iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat nang kumpletuhin ng gobyerno ang evacuation plan para sa mga Pilipinong manggagawa sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan. Ayon kay Sen. Marcos, ito muna ang dapat unahin kaysa sa ang planong relokasyon ng mga Afghan refugee dito sa Pilipinas. Sinabi pa ng… Continue reading Evacuation plan para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan, pinadedetalye ni Sen. Imee Marcos

Sen. Tolentino sa DOH: Magtalaga ng focal person para sa mga concern ng senior citizens

Hinimok ni Senador Francis Tolentino si Health Secretary Teodoro Herbosa na magtalaga ng focal person sa Department of Health (DOH), na pagtutuunan ng pansin ang pagtugon sa mga concern ng mga senior citizen. Kasabay nito, iginiit ni Tolentino ang pagsasabatas ng kanyang Senate Bill No. 1799 o ang proposed “Comprehensive Senior Citizen Welfare Act.” Sa… Continue reading Sen. Tolentino sa DOH: Magtalaga ng focal person para sa mga concern ng senior citizens

Chinese Navy Training Ship, dumaong sa Pilipinas para sa goodwill visit

Kinumpirma ng Embahada ng China sa Pilipinas ang pagdaong ng Chinese Navy Training Ship na Qi Jiguang Pier 15, South Harbor sa Maynila, ngayong araw. Batay sa pahayag ng Embahada, sinalubong ang naturang barko ng People’s Liberation Army-Navy ni Ambassador Huang Xilian, mga opisyal ng Philippine Navy at Filipino-Chinese Community sa Pilipinas. Ayon sa Chinese… Continue reading Chinese Navy Training Ship, dumaong sa Pilipinas para sa goodwill visit

June 28, dineklara ng Malacañang bilang regular holiday upang bigyang daan ang Eid’l Adha

Idineklara ng Malacañang na regular holiday a ng Hunyo 28, 2023 sa buong bansa. Ito ay upang bigyang daan ang Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim. Sa ilalim ng Proclamation no. 258, binigyang diin na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang malalaking selebrasyon ng Islam. “Following the 1444… Continue reading June 28, dineklara ng Malacañang bilang regular holiday upang bigyang daan ang Eid’l Adha

Technical issue na naranasan ng G280 na maghahatid sana kay Pangulong Marcos Jr. sa South Cotabato ngayong araw, minor problem lang — PAF

Nilinaw ng Philippine Air Force (PAF) na hindi seryoso ang naranasang technical problem sa G280 command and control aircraft o ang orihinal na aircraft na maghahatid sana kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa South Cotabato para sa event kaninang umaga (June 14). Ayon kay Air Force Spokesperson Colonel Consuelo Castillo, bumalik sa base ang… Continue reading Technical issue na naranasan ng G280 na maghahatid sana kay Pangulong Marcos Jr. sa South Cotabato ngayong araw, minor problem lang — PAF

Mainit na panahon, naitala sa Quezon City ngayong araw

Naitala sa Quezon City ang mainit na panahon ngayong araw. Batay sa ulat ng PAGASA Science Garden AWS, naitala nito ang 32°C na temperatura at 62% na relative humidity kaninang bago magtanghali na may Heat Index o Init Factor na 38°C. Kinokonsidera ito ng PAGASA bilang “extreme caution.” Sa kabila ng mainit na panahon, may… Continue reading Mainit na panahon, naitala sa Quezon City ngayong araw

Mental health training para sa pambansang pulisya, isinusulong

Itinutulak ng isang party-list solon na mabigyan ng sapat na mental health training ang mga pulis. Ayon kay Anakalusugan Representative Ray Reyes, paraan ito upang matiyak na may sapat na kakayahan ang mga pulis para tumugon sa iba’t ibang sitwasyon at sa individuals in crisis. “This will not only improve the safety of our communities… Continue reading Mental health training para sa pambansang pulisya, isinusulong

Community-based refill hubs sa mga sari-sari store, inilunsad ng QC-LGU

Inilunsad ng Quezon City Local Government kasama ang environmental groups ang “Kuha sa Tingi,” isang community-based refill hubs sa mga sari-sari store. Ginawa ito ng local government, Greenpeace Philippines at Impact Hub Manila bago ang World Refill Day celebration sa Hunyo 16, 2023. Layon ng proyekto na makatulong upang matugunan ang problema sa plastic pollution.… Continue reading Community-based refill hubs sa mga sari-sari store, inilunsad ng QC-LGU

DOST XI, maglulunsad ng mga proyektong Ramp Pump at Cacao Processing Center Sa Barangay Lumiad, Davao City

Ilulunsad ng Department of Science and Technology (DOST) XI ang mga proyektong Ramp Pump at Cacao Processesing Center sa Barangay Lumiad, Paquibato District, Davao City sa June 22, 2023. Bahagi ito ng intervention ng DOST sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technolog (CEST) Program ng departmento. Ayon kay Mr. Arnel M. Rodriguez, City… Continue reading DOST XI, maglulunsad ng mga proyektong Ramp Pump at Cacao Processing Center Sa Barangay Lumiad, Davao City

Speaker Romualdez, ipinagpasalamat ang alok na tulong ng Portugal para labanan ang ASF

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang alok na tulong ng Portugal para sa paglaban ng Pilipinas sa African Swine Fever (ASF). Kasunod ito ng courtesy call ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines Maria Cardoso ngayong araw kay Romualdez. Ayon kay Romualdez, kaniya itong ilalapit sa kinauukulang ahensya ng ehekutibo upang umusad ang tulong… Continue reading Speaker Romualdez, ipinagpasalamat ang alok na tulong ng Portugal para labanan ang ASF