High level security intel, inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. mula sa AFP

Patuloy ang mga hamong kaakibat ng nation building at national security. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa oath taking ceremony ng mga bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “But the challenge of nation building and national security is a continuing and fluid… Continue reading High level security intel, inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. mula sa AFP

Panukalang ilipat ang Philhealth sa ilalim ng Office the President, magre-resulta sa mas “efficient” na healthcare management, ayon kay Health Sec. Herbosa

Mas magiging “efficient” ang healthcare agenda ng bansa sakaling ilipat ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng pamamahala ng Office of the President (OP). Ito ang pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa sa isang pulong balitaan ngayong Lunes. “It’s a management thing if you want to make something more efficient. If we’re trying… Continue reading Panukalang ilipat ang Philhealth sa ilalim ng Office the President, magre-resulta sa mas “efficient” na healthcare management, ayon kay Health Sec. Herbosa

Listahan ng mga botante para sa halalan ngayong taon, puspusan nang nililinis ng COMELEC

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na magiging malinis ang listahan ng mga rehistradong botante, bago ang Barangay at Sangguniang Kabatan (SK) elections sa Oktubre. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiango, na ngayong araw (June 19), nationwide na isinagawa ang Special Election Registration Board hearing na layong tanggalin ang lahat… Continue reading Listahan ng mga botante para sa halalan ngayong taon, puspusan nang nililinis ng COMELEC

Matiwasay na halalan, mahigit sampung taon nang naipapatupad sa isang islang bayan sa Sulu

Naipapatupad ng bayan ng Panglima Tahil sa lalawigan ng Sulu ang matiwasay na halalan sa loob ng mahigit sampung taon. Ayon kay PLt Roselyn Del-Is, Officer In-Charge ng Panglima Tahil Municipal Police Station, simula pa noong taong 2010 matiwasay na ang halalan sa naturang islang bayan, walang katunggali ang mga kandidato sa kani-kanilang posisyon dahil… Continue reading Matiwasay na halalan, mahigit sampung taon nang naipapatupad sa isang islang bayan sa Sulu

Senador Bato dela Rosa, nag-sorry sa minsang kawalan ng tamang asal sa mga pagdinig ng Senado

📸Senate of the Philippines

Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

Nagkataon lamang na natapat sa pagbubukas ng klase sa Agosto ang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) LRT-1 at LRT-2 ayon yan sa Department of Transportation (DOTr). Sa naging pulong balitaan kaninang hapon, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na kinailangan na mailabas sa mga pahayagan ang aprubadong taas-pasahe ng… Continue reading Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sana ay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang magmando ng panghuhuli ng mga motoristang lalabag sa batas-trapiko sa EDSA Busway. Ito ay matapos na ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ililipat na sa Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang monitoring ng EDSA… Continue reading MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Higit 7,000 kaso vs. mga indibidwal na doble ang voter’s record, gugulong na

Gugulong na ang 7,000 kaso na inihanda ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga indibidwal na may doble-dobleng voter’s record. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco na sa kabuuan nasa 480,000 ang bilang ng mga naitalang doble ang registration. Gayunpaman, karamihan sa mga ito ay iyong mga record na… Continue reading Higit 7,000 kaso vs. mga indibidwal na doble ang voter’s record, gugulong na

Higit 12,000 pamilya sa Caloocan City, mabibigyan ng murang pabahay -DHSUD

Umaasa ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magkaroon ng mura at disenteng pabahay ang mga mahihirap na pamilya sa Caloocan City. Sa ulat ng DHSUD, target ng lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng 24 na gusali na housing project sa Bankers at Deparo, Caloocan. Humigit-kumulang 12,064 pamilya ang inaasahang makikinabang dito.… Continue reading Higit 12,000 pamilya sa Caloocan City, mabibigyan ng murang pabahay -DHSUD

Common food preparation area at maayos na palikuran, itatayo sa evacuation areas

Parte ng adhikain sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga evacuation areas sa Albay ang pagtatayo ng mga common food preparation area at communal bathing place o palikuran partikular na para sa mga kababaihan. Ayon kay Provincial Health Office at WASH Coordinator Engineer William Sabater, sa tulong ng Provincial Engineering’s Office at regional office ng Department… Continue reading Common food preparation area at maayos na palikuran, itatayo sa evacuation areas