Las Pinas LGU, naglunsad ng Auxiliary Feeding

Inilunsad ng Las Piñas Local Government ang Auxiliary Feeding Program na bahagi ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan na magbigay ng kalinga sa mga residente sa lungsod. Nagbigay naman ang mga nutritionist-dietitian ng maikling lecture hinggil sa Pinggang Pinoy at Nutrition Tips para sa Persons with Disability (PWDs). Aabot sa 600 indibidwal partikular ang… Continue reading Las Pinas LGU, naglunsad ng Auxiliary Feeding

Ilang mambabatas, umapela na huwag muna ipatupad ang taas-pasahe sa tren

Umaapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Transformation (DOTr) na ipagpaliban na muna ang nakambang taas-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) line 1 at 2, at pati na Metro Rail Transit (MRT). Diin ng kinatawan, marami sa commuters ang iniinda pa rin ang mataas na inflation rate bagamat bumagal na ito sa… Continue reading Ilang mambabatas, umapela na huwag muna ipatupad ang taas-pasahe sa tren

Mga opisyal at empleyado ng DepEd, makatatanggap ng P3,000 anniversary bonus

Makatatanggap ng P3,000 aniversary bonus ang mga opisyal at empleyado ng Department of Education (DepEd) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran. Ito ay matapos aprubahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbibigay ng anniversary bonus. Batay sa inilabas na Department Order, kabilang sa mga opisyal at empleyado ng DepEd… Continue reading Mga opisyal at empleyado ng DepEd, makatatanggap ng P3,000 anniversary bonus

Kampanya vs. Dengue, pinalakas ng QC Health Department

Pinaigting pa ng Quezon City Health Department ang kanilang kampanya laban sa dengue ngayong panahon na ng tag-ulan. Kasabay nito ang apela sa publiko, na magkaisa at ipatupad ang 4’s laban sa dengue. Ito ay ang Search and Destroy, Seek Early Consultation, Self-Protection at Support Fogging in Outbreak Areas. Sa pagdiriwang ng Dengue Awareness Month… Continue reading Kampanya vs. Dengue, pinalakas ng QC Health Department

Mahigit 6,000 galon ng maiinom na tubig, naipagkaloob ng MMDA sa mga apektado ng nag-aalburotong Bulkang Mayon

Umabot na sa mahigit 6,000 galon ng maiinom na tubig ang naipagkaloob sa tulong ng water filtration units ng Mertropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga apektadong komunidad ng nag-aalburutong Bulkang Mayon. Ayon sa MMDA, 60 units ng solar water filtration system ang dala ng kanilang grupo sa Albay para mga lugar at evacuation centers… Continue reading Mahigit 6,000 galon ng maiinom na tubig, naipagkaloob ng MMDA sa mga apektado ng nag-aalburotong Bulkang Mayon

Validity ng registration sa mga sasakyan, nais pahabain

Nais ni Cagayan de Oro Representative Lordan Suan na pahabain ang validity ng motor vehicle registration. Sa kaniyang House Bill 8438, sinabi ni Suan na sayang sa oras ang taon-taong pagpaparehistro ng mga sasakyan. Kaya naman kung maisabatas ay bawas aniya ito sa stress at gastos ng mga nagpaparehistro ng kanilang sasakyan. Nakapaloob sa panukala,… Continue reading Validity ng registration sa mga sasakyan, nais pahabain

Internal Affairs Service, nagdiwang ng ika-24 na aniberasyo

Ipinagdiwang ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang ika-24 na Anibersaryo na may temang “IAS @24: Maaasahang Katuwang ng Pulisya at Pamayanan Para Sa Pagkakaisa, Integridad, at Katarungan.” Panauhing pandangal sa okasyon na isinagawa sa multi-purpose hall sa Camp Crame ngayong araw si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario G. Lipana. Sa… Continue reading Internal Affairs Service, nagdiwang ng ika-24 na aniberasyo

DepEd Region 5, handa makipagtulungan sa Albay LGU para masolusyunan ang isyu sa congestion sa evacuation centers

Handa ang tanggapan ng Department of Education (DepEd) Region 5 na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Albay upang bigyan ng agarang solusyon ang congestion sa evacuation centers sa probinsya.

Iloilo City gov’t at Zonta Club, nagsagawa ng tree planting activity bilang bahagi ng World Environment Month

Nagsagawa ng isang Tree Planting Activity ang Iloilo City government at Zonta Club of Iloilo City Inc. sa Diversion Road, Mandurriao, Iloilo City bilang pakikisama sa World Environment Month 2023 ngayong Hunyo. Nagtanim ng 50 tree saplings ng Katmon Sibuyan Tree ang grupo kasama ang Urban Forest Office-Kaingin Nursery Agri at Technical Institute of Iloilo… Continue reading Iloilo City gov’t at Zonta Club, nagsagawa ng tree planting activity bilang bahagi ng World Environment Month

Mahigit 8,000 baril ng mga halal na opisyal, paso na ang lisensya — PNP

Mahigit sa 8,000 baril na nakarehistro sa mga halal na opisyal ang nabigong i-renew ang lisensya. Ito ang iniulat ni Philippine National Police Civil Security Group (PNP-CSG) Director, Police Brigadier General Benjamin Silo Jr. kaugnay ng kampanya ng PNP laban sa loose firearms, na bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa paparating na Barangay at Sanguniang… Continue reading Mahigit 8,000 baril ng mga halal na opisyal, paso na ang lisensya — PNP