Pilot testing ng ‘impact-based forecasting and warning system’, sinimulan na ng PAGASA sa Metro Manila at Cebu

Ngayong sunod-sunod na ang mga pag-ulan sa bansa ay ipinunto ng PAGASA ang kahalagahan ng pagkakaroon ng early warning system para maagang matugunan ang mga tumatamang bagyo at iba pang extreme weather disturbances. Kaugnay nito, inilunsad ng PAGASA ang ‘impact based forecasting and warning system’ na layong maipabatid sa publiko ang science-based scenarios na posibleng… Continue reading Pilot testing ng ‘impact-based forecasting and warning system’, sinimulan na ng PAGASA sa Metro Manila at Cebu

Diskwento para sa mge estudyante, senior citizen at PWD, dapat tiyakin sa oras na ipatupad ang fare increase sa tren

Suportado ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera ang ipatutupad na taas pasahe ng LRT lines 1 at 2. Aniya, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang financial stability ng operasyon ng LRT. Ngunit paalala nito na dapat tiyaking maibibigay ang nararapat na 20% discount para sa mga estudyante, senior citizens at… Continue reading Diskwento para sa mge estudyante, senior citizen at PWD, dapat tiyakin sa oras na ipatupad ang fare increase sa tren

DTI, nakipag-ugnayan na sa FDA kasunod ng planong pagpapatigil sa pagbebenta ng lato-lato

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Trade and Industry o DTI sa Food and Drug Administration o FDA upang alamin kung may inilabas na itong certificate of product registration sa mga laruang “lato-lato”. Ito ang inihayag ni DTI Consumer Protection Group Usec. Ruth Castelo kasunod ng pahayag na nais na nilang ipagbawal ang pagbebenta ng popular… Continue reading DTI, nakipag-ugnayan na sa FDA kasunod ng planong pagpapatigil sa pagbebenta ng lato-lato

Dalawang milyong pabuya sa pagdakip kay Bantag, malaking tulong sa PNP

Malaking tulong sa PNP ang pabuyang inalok ng Department of Justice (DOJ) sa pagdakip kay Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta na suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo dahil sa pabuya ay inaasahan nila na may lulutang na… Continue reading Dalawang milyong pabuya sa pagdakip kay Bantag, malaking tulong sa PNP

Nakaimbak na armas ng NPA, narekober ng militar sa Eastern Samar

Narekober ng mga tropa ng 52nd Infantry Battalion (52IB) ang nakaimbak na armas ng New People’s Army sa bisinidad ng Barangay Agsaman sa Jipapad, Eastern Samar. Ito’y matapos na boluntaryong sumuko ang isang political instructor ng NPA Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) sa mga tropa sa Barangay… Continue reading Nakaimbak na armas ng NPA, narekober ng militar sa Eastern Samar

Philippine Red Cross, rumesponde sa nangyaring sunog at ammonia leak sa isang cold storage facility sa Navotas City

Nagpadala ang Philippine Red Cross o PRC ng truck at dalawang ambulansya matapos sumiklab ang sunog at magka-ammonia leak sa isang cold storage facility sa Barangay North Bay Boulevard sa Navotas City. Ito ay upang mabigyan ng paunang tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente. Ayon sa PRC, nasa 10 pamilya ang agad na kailangang… Continue reading Philippine Red Cross, rumesponde sa nangyaring sunog at ammonia leak sa isang cold storage facility sa Navotas City

Problema sa kuryente sa Basilan, idinulog kay Energy Sec. Lotilla

Nakipagpulong si Basilan Representative Mujiv Hataman kay Energy Secretary Raphael Lotilla upang ilapit ang problema ng Basilan pagdating sa suplay ng kuryente. Partikular aniya dito ang lumalalang power outages sa lalawigan kung saan mas matagal pa ang oras na brownout kaysa sa may kuryente. Aniya, kailangan masolusyunan ang naturang problema na nakaka-apekto na sa serbiyso… Continue reading Problema sa kuryente sa Basilan, idinulog kay Energy Sec. Lotilla

OCD, handa sa posibilidad na i-akyat sa alert level 4 ang status ng Bulkang Mayon

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na handa sila kung sakaling lumala pa ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon kay Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, may naka-standby na mahigit 1.3 bilyong pisong halaga ng tulong para sa mga maaapektuhang residente. Siniguro ni… Continue reading OCD, handa sa posibilidad na i-akyat sa alert level 4 ang status ng Bulkang Mayon

Tulong na naipagkaloob sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, mahigit ₱71-M na

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pamahalaan ng ayuda sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay. Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council umaabot na sa ₱71.5-milyong halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan. Ang ayuda ay mula sa Department of Social Welfare and Development, Office of Civil… Continue reading Tulong na naipagkaloob sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, mahigit ₱71-M na

Cold storage sa Navotas na pinagmulan ng ammonia leak at sunog kaninang hatinggabi, pansamantalang ipinasara ng LGU

Ipinag-utos na ng Navotas LGU ang temporary closure sa Icy Point Cold Storage kasunod ng nangyaring sunog at ammonia leak sa compound nito sa Brgy. Northbay Boulevard North, bandang alas-11 kagabi na tumagal ng ilang oras. Ito ay upang magbigay daan sa ikakasang joint investigatopn ng BFP-Navotas, City Health Office, Sanidad, City Environment & Natural… Continue reading Cold storage sa Navotas na pinagmulan ng ammonia leak at sunog kaninang hatinggabi, pansamantalang ipinasara ng LGU