DMW at DTI, lumagda ng kasunduan para sa business training at mentorship program ng mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng kasunduan ang Department of Migrant Workers at Department of Trade and Industry na layong tulungan ang mga overseas Filipino workers na makapagsimula ng negosyo bilang pagdiriwang ng ika-dalawampu’t-walong National Migrant Workers’ Day ngayong araw.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, malaki ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances, ngunit kinakailangan rin nilang umuwi ng bansa at kailangan nilang gumawa ng sustainable na mapagkukunan ng kita.

Dagdag pa ng kalihim, makaka-access na ang mga OFW-entrepreneur at kanilang mga pamilya sa mga business training at mentorship program ng DTI na magbibigay-daan upang manatili ang mga ito sa bansa habang nagbibigay rin ng trabaho para sa iba.

Tutukuyin at isusumite ng DMW ang listahan ng mga potensyal na benepisyaryo sa mga existing na mga programa at serbisyo ng DTI.

Nakipag-partner rin ang ahensya sa iba pang mga civil society organizations, pribadong sektor, at academic institution. | ulat ni Gab Humilde Villegas