Higit ₱2.2-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang lalaki sa buy-bust operation ng pulisya sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay PBGen. Nicholas Torre III ng Quezon City Police District, nahuli ang lalaki matapos bentahan ng iligal na droga ang kanilang police poseur buyer na nakipagkita sa Brgy. San Bartolome

Nagtamo ang lalaki ng mga sugat sa paa at galos sa binti matapos umano magpumiglas habang inaaresto.

Nasabat sa kanya ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 325g at nagkakahalaga ng ₱2,210,000.

Narekober din ang buy-bust money at cellphone na ginagamit umano sa transaksyon ng iligal na droga.

Dagdag ni Torre, posibleng nagmula sa labas ng Metro Manila ang kanyang supplier ng iligal na droga

Inaalam pa ng QCPD ang mga parokyano ng suspect.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang lalaki na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

📷: DDEU QCPD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us