Mountain Province PADAC, pinakamataas ang rating sa 2022 ADAC Performance Audit sa buong CAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mountain Province Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), nakakuha ng pinakamataas na rating sa 2022 ADAC Performance Audit sa buong Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) – Mountain Province.

Ayon sa Provincial Information Office ng Mountain Province, inihayag ni DILG Provincial Director Evelyn B. Trinidad sa pagpupulong ng Provincial Anti-Drug Abuse Council, na ang naturang audit ay isinagawa ng Cordillera ADAC Regional Audit Team noong June 6 at 7, 2023.

Base sa resulta ng audit, ang Mountain Province PADAC ay highly functional na may numerical rating na 97.50.

Inihayag din ni Trinidad na lahat ng the Municipal Anti-Drug Abuse Councils ay highly functional.

Ito aniya ay nagpapakita ng malakas at seryoso ang mga ADAC sa kanilang kampanya kontra illegal na droga sa Mountain Province.| ulat ni Donalyn Kawis Balio| RP1 Bontoc

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us