Negros Oriental Gov. Reyes, patuloy na magsisilbing inspirasyon–Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamilya at malalapit sa buhay ng pumanaw na si Negros Oriental Governor Carlo Reyes.

Nasawi ang gobernador, kahapon, ika-31 ng Mayo, dahil sa matagal ng karamdaman, sa edad na 62.

Ayon sa Pangulo, nakakalungkot ang balitang ito.

Umaasa si Pangulong Marcos na ang alaala at mga nagawa at naiwang pamana ng gobernador ay patuloy na magsisilbing inspirasyon.

“We extend our heartfelt condolences to his family, friends, and the people of the province he served so faithfully. May his legacy continue to inspire and his memory be cherished.” —Pangulong Marcos.

Kung matatandaan, si Reyes ang pumuno sa binakanteng pwesto ng pinaslang na si Governor Roel Degamo noong ika-4 ng Marso. | ulat ni Racquel Bayan

PHOTO: Negros Oriental Prov’l Gov’t/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us