Ipinagluluksa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng isang miyembro ng kanilang Special Action Force (SAF), na nasawi habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin para sa bayan.
Ito ay matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ng kampo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, tiniyak nito ang kaukulang tulong na ibibigay nila para sa naulilang pamilya
Samantala, inihayag naman sa Kampo Crame ni Sulu Governor Abdusakur Tan, sinabi nito na unti-unti nang nagbabalikan ang mga nagsiliklas na residente matapos ang bakbakan.
Una nang inihayag ng militar at pulisya na nasa 5,000 hanggang 6,000 ang nagsilikas nang sumiklab ang gulo sa nasabing bayan. | ulat ni Jaymark Dagala