POGO company na sinalakay ng pulisya sa Las Piñas City, iginiit na lehitimo ang operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO company na sinalakay ng pulisya sa Las Piñas City kamakailan na lehitimo ang kanilang operasyon sa bansa.

Ayon kay Kong Esqueta, Legal Consultant ng Xianchuang Network Technology Inc., katunayan ay mayroon silang permit o POGO license na epektibo hanggang 2025.

Giit pa ni Esqueta, mayroong working visa rin ang kanilang mga empleyado.

Aniya, pahirapan ngayon ang sitwasyon ng mga naka-lockdown na empleyado dahil nakatanggap sila ng ulat na hindi pa umano kumakain ang mga ito.

Nabatid na hindi rin pinayagan ang mga biktima na makakuha ng sarili nilang abogado at pinilit papimahin sa dokumento na hindi sila puwedeng magreklamo, kaharap ang mga abogado mula sa Public Attorneys Office o PAO.

Una nang itinanggi ng PNP na may nasawing dayuhan sa isinagawa nilang operasyon subalit may 8 dayuhan ang nasugatan matapos magtangkang tumakas nang malaman na pinalalaya na ang mga kasama nitong Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us