Mga bagong-graduate na opisyal ng Philippine Army, binigyang pagkilala ni Army Chief Lt. Gen. Brawner

Binigyang pagkilala ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang mga bagong nagtapos sa Army Officer Candidate Course (OCC) “Gaigmat” Class 58-2023, sa pamamagitan ng isang reception sa Kastelo Verde, Capas, Tarlac kahapon. Ang 106 na Officer Candidate ay pormal na magtatapos sa seremonya sa Fort Bonifacio sa Hulyo 7, matapos na sumailalim… Continue reading Mga bagong-graduate na opisyal ng Philippine Army, binigyang pagkilala ni Army Chief Lt. Gen. Brawner

Kamara, patuloy na magbabantay laban sa price manipulation ng mga pangunahing bilihin

Positibo ang pagtanggap ni House Speaker Martin Romualdez sa pagkakasa ng DOJ at NBI ng imbestigasyon laban sa smuggling, hoarding at price fixing ng sibuyas at iba pang agricultural commodities salig sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “This is a welcome development, a decisive action that manifests the President’s resolve to clamp down… Continue reading Kamara, patuloy na magbabantay laban sa price manipulation ng mga pangunahing bilihin

Libu-libong Pinoy Hajj pilgrims, nagsisimula nang magsiuwian sa bansa

Inaasahan nang daragsa ngayong araw ang libu-libong Filipino pilgrims na lumahok sa taunang Hajj sa Makka, Saudi Arabia. Magmula kanina, sunud-sunod na flights na ng Oman Air, Kuwait Airlines at Saudia Airlines ang lumapag na at lalapag pa lang sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1. Batay sa impormasyon mula sa Manila International… Continue reading Libu-libong Pinoy Hajj pilgrims, nagsisimula nang magsiuwian sa bansa

Pinakamalaking pagsasanay ng Phil. at US Marines, magsisimula bukas

Pormal na ilulunsad bukas ang Marine Aviation Support Activity (MASA) 2023, ang pinakamalaking sabayang pagsasanay ng Philippine Marine Corps at U.S. Marines sa kasayasayan. Ayon kay Phil. Marines spokesperson at MASA Public Affairs Officer Capt. Jarald Rea, ang ehersisyo ay lalahukan ng 1,257 Pilipinong sundalo, 115 reservist, at 1,444 Amerikanong sundalo. Tampok dito ang sinking… Continue reading Pinakamalaking pagsasanay ng Phil. at US Marines, magsisimula bukas

Pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan, ipinaalala ng LTFRB

Muling ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mahigpit na pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng pampublikong transportasyon. Maging ang paggamit ng e-cigarette ay hindi rin pinapayagan ng LTFRB. Muling naghigpit ang LTFRB, alinsunod sa umiiral na batas na Republic Act No. 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003. Bukod pa dito,… Continue reading Pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan, ipinaalala ng LTFRB

Commander ng AFP Western Command Naval Forces West, bumisita sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Naval Forces West Commander Commodore Alan M Javier ang mga tropang naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para personal na kumustahin ang kanilang kalagayan. Ito ang pangalawang pagbisita ng mataas na opisyal ng AFP sa outpost ng Pilipinas sa West Philippine sea… Continue reading Commander ng AFP Western Command Naval Forces West, bumisita sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

House Committee on Agriculture, nakahandang tumulong sa imbestigasyon ng DOJ, NBI vs. hoarders at agri-product smugglers

Tiniyak ni House Committee on Agriculture and Food Chair at Quezon Rep. Mark Enverga na tutulong ang kaniyang komite sa gagawing imbestigasyon ng NBI at DOJ laban sa cartel operation sa bansa. Kasunod ito ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng pagsisiyasat ang dalawang ahensya laban sa mga hoarder, smuggler at… Continue reading House Committee on Agriculture, nakahandang tumulong sa imbestigasyon ng DOJ, NBI vs. hoarders at agri-product smugglers

LEDAC priority bills, posibleng madagdagan pa

Posibleng madagdagan pa ang LEDAC priority measures ng administrasyon na siyang tututukan ng 19th Congress sa pagbubukas ng 2nd regular session nito. Ayon kay House Sec. Gen Reginald Velasco, kabilang sa napag-usapan sa ginawang pre-LEDAC meeting ng House at Senate leadership ay ang pagkakasundo sa mga susunod na panukalang batas na bibigyang prayoridad. “Actually it… Continue reading LEDAC priority bills, posibleng madagdagan pa

Pagbabawal ng POGO sa Valenzuela, welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police ang desisyon ng pamahalaan ng Valenzuela City na ipagbawal ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa lungsod. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, ang lokal na pamahalaan ang nakakaalam kung ano ang mas makabubuti sa kanilang nasasakupan. Ito’y kasunod ng pagpasa ng… Continue reading Pagbabawal ng POGO sa Valenzuela, welcome sa PNP

Clean-up operations sa oil spill sa Oriental Mindoro, tapos na

Matapos na makumpleto ang paglilinis sa tumagas na langis sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro, rehabilitasyon naman ng mga apektadong lugar ang susunod na pagtutuunan ng pansin ng National Task Force on the Oil Spill Management. Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa pagpupulong ng Task Force kahapon. Ayon kay… Continue reading Clean-up operations sa oil spill sa Oriental Mindoro, tapos na