Mahigpit na pagbabantay laban sa mga unhealthy food advertisements, ipinanawagan ni Sen. Go

Hinikayat ni Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Adminstration (FDA) na paigtingin ang pagbabantay kontra sa mga advertisement ng mga pagkaing may mataas na lebel ng saturated fatty acid, trans-fatty acids, free sugar, at salt. Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon… Continue reading Mahigpit na pagbabantay laban sa mga unhealthy food advertisements, ipinanawagan ni Sen. Go

PNP, makikiisa sa panawagan ng Pangulo na magtipid ng tubig ngayong may El Niño

Makikiisa ang Philippine National Police sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtipid ng tubig para makaalpas ang bansa sa hamon na dulot ng El Niño. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mahigpit nilang ipatutupad sa lahat ng kampo ng pulisya ang pagtitipid sa… Continue reading PNP, makikiisa sa panawagan ng Pangulo na magtipid ng tubig ngayong may El Niño

Meralco, magpapatupad ng bawas singil ngayong buwan ng Hulyo

Magpapatupad ng bawas singil ang Manila Electric Company o Meralco para sa magiging bill ngayong buwan ng Hulyo. Ayon kay Meralco Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, 0.7213 centavos kada kilowatt hour ang itatapyas sa singil sa kuryente kaya papalo na lamang sa 11.1899 ang overall rate sa bill ngayong buwan ng Hulyo. Ibig sabihin kung… Continue reading Meralco, magpapatupad ng bawas singil ngayong buwan ng Hulyo

Higit ₱100-M halaga ng tulong, naipaabot ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng Mayon

Hindi tumitigil ang pamahalaan sa pag-alalay sa mga residenteng apektado ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon. Base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malacañang, aabot na sa ₱105 million na humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga apektadong residente. Ang assistance na ito ay mula sa DSWD, mga lokal na pamahalaan,… Continue reading Higit ₱100-M halaga ng tulong, naipaabot ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng Mayon

DSWD, tiniyak ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Southern Leyte

Tinatayang aabot sa 297 pamilya o 1,118 indibidwal ang naapektuhan ng panibagong oil spill sa Southern Leyte na nangyari noong Biyernes. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang tumagas na langis ay mula sa isang passenger vessel na nakadaong sa pantalan ng San Ricardo. Apektado na ng oil spill ang may 196 pamilya… Continue reading DSWD, tiniyak ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Southern Leyte

9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga customer nito na magkakaroon ng water interruption simula sa Miyerkules, July 12. Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division, ang water interruption ay bunsod ng mas pinababang alokasyon ng National Water Resources Board o NWRB mula Angat Dam na 48 cubic meters per second,… Continue reading 9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

DMW, pinag-aaralan na gawing libre ang Overseas Employment Certificate

Pinag-aaralan na ng Deparment of Migrant Workers o DMW na gawing libre ang Overseas Employment Certificate o yung OFW Pass para sa mga kababayan na magtatrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople, ito ang naging direktiba sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos makipagpulong ito sa Malacañang. Kaungay… Continue reading DMW, pinag-aaralan na gawing libre ang Overseas Employment Certificate

Mas maigting na operasyon kontra smuggling, tiniyak ng Dept. of Agriculture

Paiigtingin pa ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement o DA-IE ang kanilang paglaban sa smuggling. Ayon kay Agriculture Asec. James Layug, tuloy-tuloy lang ang kanilang operasyon, pinakahuli rito ay sa Luys Classic Teahouse sa Cebu City noong June 27. Bunsod ito ng pagkabigo ng naturang establisyimento na magpakita ng Certificate of Meat Importation o… Continue reading Mas maigting na operasyon kontra smuggling, tiniyak ng Dept. of Agriculture

Salt producer at mangingisda sa Cagayan, nakapag-ani na gamit ang teknolohiyang turo ng BFAR at DMMMSU

Nasubukan na ng ilang salt producers at mangingisda sa bayan ng Ballesteros, Cagayan na mag-ani ng asin mula sa tubig-dagat matapos silang dumalo sa dalawang araw na pagsasanay kamakailan na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 at Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ng La Union province. Ang DMMMSU… Continue reading Salt producer at mangingisda sa Cagayan, nakapag-ani na gamit ang teknolohiyang turo ng BFAR at DMMMSU

Financial assistance para sa mga tauhan ng PNP Pangasinan na may malubhang sakit, ipinagkaloob

Ilang mga pulis sa lalawigan ng Pangasinan na bed-ridden na at terminally ill ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Police Provincial Office. Sa ginawang flag-raising ceremony ng Pangasinan PPO kanina ay isinabay na ang pamamahagi ng financial assistance sa kanilang mga kasamahan na tuloy-tuloy na sumasailalim sa gamutan dahil sa kani-kanilang mga sakit. Binigyan ng… Continue reading Financial assistance para sa mga tauhan ng PNP Pangasinan na may malubhang sakit, ipinagkaloob