Motorbanca na lumubog sa Surigao City, 11 pasahero nailigtas ng PCG

Labing-isang (11) pasahero ng lumubog na motorbanca sa karagatan ng Day-asan, Surigao City ang nailigtas ng Coast Guard District Northeastern Mindanao kahapon. Batay sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, bandang alas-3:00 ng hapon nang umalis ang MBCA mula sa isang floating resort sa Day-asan at patungo na sa Surigao City nang sumadsad sa mababaw na… Continue reading Motorbanca na lumubog sa Surigao City, 11 pasahero nailigtas ng PCG

Police Regional Office 7 nagpaalala sa “No Permit, No Rally Policy” kaugnay ng SONA 2023 ngayong Lunes

Muling ipinaalala ng Police Regional Office dito sa Central Visayas ang polisiya na kailangang kumuha ng permit ang sinumang grupong magsasagawa ng aktibidad sa kalsada, kaugnay ng nalalapit na ikalawang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Sa isang statement na nailathala sa opisyal na Facebook page ng Police Regional… Continue reading Police Regional Office 7 nagpaalala sa “No Permit, No Rally Policy” kaugnay ng SONA 2023 ngayong Lunes

Full deployment ng mga pulis sa SONA, gagawin mamayang madaling araw; NCRPO Chief nagsasagawa na rin ng inspeksyon

Alas-3:00 mamayang madaling araw, ipatutupad na ng Quezon City Police District (QCPD) ang full deployment ng mga pulis para sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay QCPD Station 3 Commander Lt. Col. Morgan Aguilar na nakabase sa STU Sandigan, kasama na rin sa deployment ang iba pang augmentation support mula sa ibang… Continue reading Full deployment ng mga pulis sa SONA, gagawin mamayang madaling araw; NCRPO Chief nagsasagawa na rin ng inspeksyon

Bacnotan LGU, naghahanda sa posibleng epekto ng bagyong #EgayPH

Nagpapatuloy ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bacnotan, La Union para sa posibleng epekto ng bagyong Egay. Nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at sila’y nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment. Nakibahagi sa pagpupulong si Vice Mayor Francis Fontanilla bilang kinatawan ni Mayor Divine Fontanilla. Pinangunahan ito ni Municipal Disaster Risk… Continue reading Bacnotan LGU, naghahanda sa posibleng epekto ng bagyong #EgayPH

P120 billion, agad ipinapakalap ni Speaker Romualdez para sa MUP pension

Inatasan na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Committee on Appropriations at Ways and Means Committee na agad mangalap ng P120 billion ngayong taon para sa pension fund ng military and uniformed personnel (MUP). Ayon kay Speaker Romualdez kailangan ng P3.6 trillion ng gobyerno sa susunod na 30 taon para matugunan ang problema sa… Continue reading P120 billion, agad ipinapakalap ni Speaker Romualdez para sa MUP pension

PCG, naka-heightened alert na bukas

Simula bukas, itataas na sa heightened alert ang status ng Philippine Coast Guard sa National Capital Region, Central Luzon, Northeastern Luzon, Northwestern Luzon, Southern Tagalog, at Bicol. Ayon kay PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu, ito ay upang makatulong sa payapa at ligtas na SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sasabayan ng tatlong… Continue reading PCG, naka-heightened alert na bukas

DHSUD at BCDA, planong magtayo ng 500k housing units sa New Clark City

Iminungkahi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagtatayo ng 500,000 housing units sa loob ng New Clark City sa Tarlac sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program. Kapag ganap nang madevelop ang lugar, asahan nang maging tahanan ito ng 1.2 milyong Pilipino. Sang-ayon naman sa proyekto sina Bases… Continue reading DHSUD at BCDA, planong magtayo ng 500k housing units sa New Clark City

Mabilis at ‘drama free’ na pagtugon ng pamahalaan sa Mindoro oil spill, pinuri

Pinuri ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang naging pagtugon ng Marcos Jr. administration sa nangyaring Mindoro oil spill. Kasunod ito ng anunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ang katubigan sa palibot ng isla ay na sa Class SC standard na at wala nang Polycyclic Aromatic Hydrocarbons. Dahil dito, ay… Continue reading Mabilis at ‘drama free’ na pagtugon ng pamahalaan sa Mindoro oil spill, pinuri

On time na pagpapasa sa 2024 national budget, tiniyak ng Kamara

Maaga pa lang ay siniguro na ng Mababang Kapulungan ang maagap na pagtalakay at pagpasa sa 2024 proposed national budget. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, posibleng isang linggo matapos ang State of the Nation Address ay isumite na ng ehekutibo ang 2024 National Expenditure Program sa Kamara. Sa pagtaya ng House leader posibleng abutin… Continue reading On time na pagpapasa sa 2024 national budget, tiniyak ng Kamara

Higit 50 drones, gagamitin ng pulisya  sa mga aktibidad sa SONA bukas -QCPD

Idedeploy na rin ng Quezon City Police District ang 52 drones sa ikalawang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bukas. Ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, gagamitin ang mga drone para sa aerial surveillance ng iba’t ibang aktibidad sa Commonwealth Avenue. Sa ngayon, nasa 100% nang handa… Continue reading Higit 50 drones, gagamitin ng pulisya  sa mga aktibidad sa SONA bukas -QCPD