Resolusyong hihikayat sa gobyerno na iakyat sa UNGA ang aksyon ng China sa WPS, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Prinesenta na sa plenaryo ng senado ang resolusyon na maghihikayat sa gobyerno, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na harassment at pambubully ng China sa pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa sponsor ng Senate Resolution 659 na si Senadora… Continue reading Resolusyong hihikayat sa gobyerno na iakyat sa UNGA ang aksyon ng China sa WPS, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

P2-M halaga ng smuggled meat mula China, nasabat sa Pasay City – DA

Nasa 1,034 kilos ng frozen meat products ang nasamsam ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang joint operation sa Pasay City kamakailan. Kasama ang National Meat Inspection Service (NMIS), Philippine Coast Guard (PCG) at Pasay City LGU, sinalakay ang tatlong business establishment at nakuha ang mga smuggled frozen Peking ducks, black chickens, kalapati at iba… Continue reading P2-M halaga ng smuggled meat mula China, nasabat sa Pasay City – DA

SIM card registration, wala nang extension – NTC

Muling iginiit ng National TeleCommunication (NTC) sa publiko na wala nang extension ang pagpaparehistro ng SIM cards. Binigyan na ng pagkakataon ang mga SIM card owner para makapag parehistro mula ng palawigin pa ng 90 araw ang orihinal na deadline noong Abril 26. Giit ng NTC, ang hindi pagrehistro ng mga SIM bago ang alas… Continue reading SIM card registration, wala nang extension – NTC

Benguet solon, nanawagan ng agarang tulong dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay

Umapela si Benguet Rep. Eric Yap sa national government na agad magpadala ng tulong sa kanilang lalawigan at kalapit probinsya sa Northern Luzon na pinadapa ngayon ng bagyong #EgayPH. Sa mga ibinahaging larawan ni Yap ng sitwasyon sa Benguet, makikita na lubog sab aha ang maraming lugar kasama na ang sikat na strawberry farm sa… Continue reading Benguet solon, nanawagan ng agarang tulong dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay

Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

Inaaral ngayon ng Kamara ang pag-tap sa savings ng pamahalaan para mapondohan ang pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Ayon kay Appropriations Committee Chair Elizaldy Co bago pa, dumating ang pagtalakay sa 2024 national budget, ay hahanapan na nila ng pagkukunan ng pondo ang pension ng mga sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel.… Continue reading Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

EDCOM II, pinatitiyak na hindi maaabuso sa mga workplace ang mga batang apprentice o OJT

Nirerekomenda ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa Senado na protektahan ang mga menor de edad o ang mga batang nasa ilalim ng Apprenticeship program ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na pinapatupad ng ilang mga kumpanya. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Labor, binahagi ni EDCOM chief legal officer Atty.… Continue reading EDCOM II, pinatitiyak na hindi maaabuso sa mga workplace ang mga batang apprentice o OJT

Susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, ikinakasa na ng dalawang bansa.

Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na i-convene ang susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, na magpapatatag pa sa kooperasyon ng dalawang bansa. Sa joint press statement kasama si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na posibleng sa buwan ng Oktubre, maisakatuparan ang pulong. “In the spirit of exploring synergies… Continue reading Susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, ikinakasa na ng dalawang bansa.

PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

Nakatakdang magsagawa ng relief operations ang Police Regional Office 02 (PRO2) sa mga lugar sa Lambak ng Cagayan na apektado ng Typhoon #EgayPH. Ang mga ipapamahaging relief goods ay mula sa mga nalikom nilang grocery items at iba pang donated goods mula sa mga stakeholder at Advisory Support Groups ng Valley Cops. Matatandaang muling inilunsad… Continue reading PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Nakapagtala na ng inisyal na Php 225 libong pinsala at pagkalugi ang mga magsasaka na naapektuhan ni Super Typhoon #EgayPH. Sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 77 magsasaka na ang apektado at 4 na metric tons ng agri-products ang nasira. Sa ngayon, nasa 40 ektarya ng taniman ng palay ang naapektuhan. Karamihan sa… Continue reading DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Panukalang MUP pension reform inaasahang maipapasa bago matapos ang taong 2023

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isinagawang ‘post SONA discussion’, na maipapasa ang panukalang reporma sa pension system ng retired military and uniformed personnel (MUP) bago matapos ang taong 2023. Ayon sa kalihim, humaharap ngayon ang administrasyong Marcos Jr. sa napakahalagang tungkulin upang maiayos ang pension ng mga MUP. Paliwanag ng kalihim, ang reporma… Continue reading Panukalang MUP pension reform inaasahang maipapasa bago matapos ang taong 2023