Kontribusyon ng reservists sa pambansang seguridad, kinilala ng AFP Chief

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang malaking kontribusyon ng mga reservist sa pambansang seguridad. Ang pahayg ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa kauna-unahang Jamboree ng National Defense College of the Philippines (NDCP) sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Sa kanyang… Continue reading Kontribusyon ng reservists sa pambansang seguridad, kinilala ng AFP Chief

Pag-monitor sa profiteering at hoarding sa mga deklaradong calamity areas, ipinag-utos ni PNP Chief

Inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga police unit sa mga lugar na deklaradong calamity areas dahil sa bagyong Egay na mag-monitor sa posibleng profiteering, hoarding at unfair trade practices at tumulong sa mga LGU at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapatupad ng price freeze. Ayon kay PNP Public… Continue reading Pag-monitor sa profiteering at hoarding sa mga deklaradong calamity areas, ipinag-utos ni PNP Chief

Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund Nakakuha ng suporta ang Philippine delegation mula sa malaysian businessmen, nang ibida ang bubuksan Maharlika Investment Fund (MIF) ng bansa. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi na nakakagulat ang pahayag na interes ng mga ito, lalo’t negosyo ang pinag-uusapan sa dito. “Yes, lahat. Lahat… Continue reading Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

2 tauhan ng PCG sinibak sa pwesto matapos ang pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal

Pansamantalang sinibak sa puwesto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang tauhan nito na nakaposte sa kanilang Binangonan Sub-Station sa Rizal. Ito’y kasunod ng pagkakataob ng MBCA Princess Aya Express habang papatawid sa Laguna de Bay patungong Talim Island na ikinasawi ng halos 30 katao. Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu, layon ng… Continue reading 2 tauhan ng PCG sinibak sa pwesto matapos ang pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal

Tulong ng Kamara para sa mga taga-Baguio at Benguet na sinalanta ni Egay, sinimulan nang ipamahagi

Personal na nagtungo ngayong hapon si House Speaker Martin Romualdez sa Baguio City upang pangunahan ang pamamahagi ng relief goods at tulong pinansyal sa mga residente doon na naapektuhan ng bagyong Egay. Kabuuang ₱3 milyon, o tig-₱1-milyon ang natanggap na financial assistance nina Benguet Representative Eric Yap, Baguio Representative Mark Go at Baguio City Mayor… Continue reading Tulong ng Kamara para sa mga taga-Baguio at Benguet na sinalanta ni Egay, sinimulan nang ipamahagi

Mahigit ₱5.9-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga awtoridad sa isang courier warehouse sa Pasay City

Nasabat sa pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang iligal na droga na nagkakahalaga ng nasa mahigit 5.9 milyong piso sa lungsod ng Pasay. Nakuha ang naturang halaga ng iligal na droga sa shipment ng isang courier company sa Andrews Avenue sa Pasay City. Batay sa… Continue reading Mahigit ₱5.9-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga awtoridad sa isang courier warehouse sa Pasay City

Halos ₱10-M halaga ng donasyon sa mga guro at estudyante na apektado ng Mayon, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Pinagkalooban ng United States Agency for International Development (USAID) ng 9.7 milyong pisong halaga ng donasyon ang mga guro at out-of-school youth na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Ang donasyon na binubuo ng educational materials at hygiene kits ay tinurn-over ni USAID Philippines Resident Legal Officer Michelle McLeod at Department of Education (DepEd) Region… Continue reading Halos ₱10-M halaga ng donasyon sa mga guro at estudyante na apektado ng Mayon, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Malnutrition at child stunting summit, ikakasa ng House Committee on Poverty Alleviation

Isang summit para tugunan ang problema sa malnutrisyon at child stunting o pagkabansot ang ikinakasa ng House Committee on Poverty Alleviation. Ayon kay 1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero, chair ng Komite, mahalagang masolusyunan ang naturang problema na kakabit ng isyu sa kagutuman. May epekto din kasi aniya ito sa kinakailangang budget at pag-unlad ng bansa.… Continue reading Malnutrition at child stunting summit, ikakasa ng House Committee on Poverty Alleviation

DSWD Sec. Gatchalian, personal na tinutukan ang relief operation sa mga biktima ng kalamidad sa Ilocos Norte

Nagtungo si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa lalawigan ng Ilocos Norte ngayong araw para personal na i-monitor ang ongoing na relief operations sa mga apektado ng kalamidad. Dito, nakipagpulong ang kalihim kay Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc kung saan ito binigyan ng briefing sa sitwasyon ng lalawigan na ngayon ay nasa ilalim na ng… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, personal na tinutukan ang relief operation sa mga biktima ng kalamidad sa Ilocos Norte

Mga pamilyang nagsilikas sa Lungsod ng Marikina, nagsiuwian na

Nagsiuwian na ang mga residente na nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon. Batay sa pinakahuling datos ng Marikina City Rescue 161, dalawang pamilya o walong indibidwal na lamang ang nasa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Habang nakauwi na ang mga nagsilikas sa Nangka Gym kaninang madaling araw. Nasa 34 na pamilya o… Continue reading Mga pamilyang nagsilikas sa Lungsod ng Marikina, nagsiuwian na