4 na Chinese, 2 Taiwanese na puganteng kasama sa ni-raid na POGO sa Las Piñas, inaresto ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime group ang apat na Chinese at dalawa Taiwanese na wanted sa kani-kanilang bansa, matapos na matuklasang kasama sila sa mga dayuhang empleyado ng ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas.

Ayon kay ACG Director Police Brig. Gen. Sydney Sultan Hernia, natagpuan nila ang anim na pugante mula sa halos 3,000 indibidwal na naligtas mula sa POGO, sa tulong ng mga dayuhang embahada, na umasiste sa ACG sa dokumentasyon ng kanilang mga mamamayan.

Sinabi ni Hernia na mahigit isang libong Pilipinong naligtas sa operasyon ay pinayagan nang umuwi; habang ang mga dayuhan ay iti-turn over sa Bureau of Immigration kapag makumpleto ang pagkuha ng kanilang personal na impormasyon.

Bukod dito, limang Chinese ang na-inquest na sa Department of Justice, dahil sa paglabag sa Republic Act 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Hernia na magpapatuloy ang imbestigasyon upang matuklasan ang buong lawak ng trafficking operation. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us