Bantang pagsasampa ng kaso ng POGO a ni-raid sa Las Piñas, binalewala ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magpapatinag ang PNP sa bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ng POGO sa Las Piñas na ni-raid noong nakaraang linggo.

Giit ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, na itutuloy ng PNP ang dokumentasyon ng mga nalalabi sa mahigit 2,000 empleyado ng POGO hanggang sa matapos ito.

Ito’y sa kabila ng huling demand letter ng abogado ng Xinchuang Network Technologies Inc. na si Ananias Christian Vargas kung saan binigyan ang mga pulis ng 24 oras para lisanin ang POGO Hub.

Una nang ipinaliwanag ng PNP na isinasagawa ang dokumentasyon ng mga naligtas na umano’y biktima ng “human trafficking” sa mismong compound ng POGO dahil hindi magkakakasya sa himpilan ng pulisya ang malaking bilang ng mga kailangang isailalim sa dokumentasyon.

Sinabi ni Maranan na hindi nila kakayanin na tapusin sa loob ng naturang deadline ang dokumentasyon, pero pauuwiin din nila ang mga nasagip kapag tapos na. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us