Coast Guard, binabantayan ang posibleng oil spill sa tumagilid na barko sa Romblon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglagay na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog para makontrol ang posibleng banta ng oil spill sa tumagilid na barko sa Banton Island, Romblon kahapon ng umaga.

Ayon sa PCG, ang oil spill boom ay isang paraan para mapigilan ang posibleng oil spill sa karagatan ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon.

Tumagilid ang MV Maria Helena na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines, may halos 100 Metro ang layo sa babaybayin ng nasabing isla dahil sa lakas ng hangin at malalaking alon dulot ng habagat kahapon.

Nailigtas naman ang mga crew at pasahero ng naturang barko matapos ang mabilis na responde ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Banton.

Sa inisyal na ulat ng PCG Southern Tagalog, hindi overloading ang sanhi ng pagtagilid ng nasabing barko. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us