Mahigit 680,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Station Intelligence Section ng Pasig City Police Station, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni Pasig City Police Chief Police Colonel Celerino Sacro ang mga suspek na sina alyas Acob, lalaki, 58 taong gulang; at alyas Raimah, babae, 43 taong gulang na pawang mga residente ng nasabing barangay, at itinuturing na regional high value individual.

Batay sa police report, nagsagawa ng serye ng surveillance ang mga operatiba ng Eastern Police District laban sa dalawang suspek bago ang ikinasang buy-bust operation kung saan naaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 19 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo na nagkakahalaga ng P680,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us