Overall Command Center ng NGCP, balik na sa normal na operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy na ang normal na operasyon ng Overall Command Center (OCmC) ng National Grid Corporation of the Philippines.

Ito’y dahil wala nang banta ang Tropical Depression Dodong sa alinmang pasilidad ng NGCP sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa nito.

Batay sa assessment ng NGCP kahapon, walang transmission lines at pasilidad ang naapektuhan ng pagdaan ng tropical depression.

Pagtitiyak pa ng NGCP sa publiko na patuloy nitong binabantayan ang weather disturbances at handang isa-aktibo ang OCmC sakaling magkaroon ng anumang banta sa kanilang transmission facilities.

Sa pinakahuling update ng PAGASA, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si bagyong Dodong kahapon ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us